Chapter twenty one

405 11 2
                                    

#LMLYD by WantedGirlWriter

Reason

Time really flies when we're  happy. O baka dahil sa sobrang saya ay hindi na namin namalayan na uuwi na pala kami. After that land activities, ginawa namin yung iba pa tulad ng plano nila at wala ng selosan na naganap dahil sa saya. We did water and air activities which is sobrang enjoy. We even ride in a helicopter at nagkaroon kami ng chance para makita ng buong buo ang Mayon volcano at ang paligid nito.

We visited, Nag-Aso boiling lake na talagang umuusok ang paligid at sa Cagraray eco park, basta sa lahat ata ng maaari naming mapuntahan doon ay pinuntahan namin. Hindi rin naman ako maaaring mag tagal dahil may work pa ako. Actually, when we get back to Manila,  meeting kaagad ang pupuntaham ko. I am a member of an organization na connected parin sa pagiging dermatologist ko.

We already packed our things at bumyahe papuntang Manila Saturday at exactly 12nn. Ganun ulit ang sinakyan namin nung pumunta kami dito na inabot lang ng halos dalawang oras at sumakay sa kanya kanya naming sasakyan na nakapark dito sa airport. Nagpaalam na kami kila Jims at si Angeline, ayun tulog kaagad sa sasakyan.

"Okay ka lang babe?" Max held my hand while he's driving. I smiled.

"Yeah. Medyo pagod lang."

"Tapos may meeting ka pa? Wag ka na kaya pumunta?"

"Para saan pa't bumyahe tayo do ba?  Kailangan rin kasi ako doon babe.."

"Uh, okay."

"Thank you Max,"

"Anything for you," at binigyan nya ako ng napakatamis na ngiti na parang magtatanggal ng pagod ko.

Wala nang umimik sa amin pagtapos noon. Nakarating kami sa condo ko at kaagad akong nag-prepare para makaalis na kahit na parang ayaw ko ring umalis at gusto ko ring magpahinga.

"Bisitahin mo yung bar mo babe!" Sabi ko dito na nakahiga sa kama ko at mukang pagod rin. Inaayos ko naman yung damit ko dahil paalis na rin ako.

"Yeah, sure.. Maaga ka bang uuwi?" Tanong nya na nakapikit pa rin.

Actually, this meeting is not related to the hospital. Naka-leave pa rin ako ng two weeks, so may one week pa ako to celebrate summer with my family na hindi ko pa pala nasasabi, baka magtampo pa yun si mommy.

"Yeah. Siguro ilang oras lang ako. I just really need to attend that meeting."

"Okay, gusto mo ihatid na kita?" Napamulat sya at naupo, napangiti naman ako.

"No, I'm okay. Bisitahin mo yung bar mo ah kahit isang oras lang!"

"Yes, babe."

I bid my goodbye kiss nung bubuksan ko yung pinto ng unit ko.

"Yung bar mo ah? Baka mauna ka pang dumating dito sakin?"

"Yes ma'am!" I kissed him again. Sabi nya maliligo lang daw muna sya bago umalis kaya nauna na ako.

I went down to the parking lot ng condo at binuksan ang kotse ko at aircon. Pagkarating ko sa office kung saan ang forum ay nakita ko na ang iba't ibang member ng organization na to. Nakipagbeso, at ilang minuto lang din ay nandito na si Angeline na halatang nagmamadali. Agad din namang nagsimula ang meeting nung makumpleto kami.

To make a long story,short, we're conducting an event that helps netizen prevent different kind of skin diseases lalo pa kapag ganitong taginit at marami satin ay napapabayaan ang balat. Doon lang umikot ang halos dalawang oras na meeting namin. Three days from now gaganapin ang nasabing event. Angeline and I were happy and excited at the same time pero sad din dahil mababawasan pa ng isang araw ang one week na natitirang araw to spent my vacation with my family and kay Max also.

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon