Chapter nine

816 11 0
                                    

#LMLYD by WantedGirlWriter

Mali pala

"Happy Birthday Girl!!" Bati kaagad sakin ni Angeline nang makarating at makapasok kami sa bar.

Sinundo kasi ako ni Maxstone sa unit ko. Napagdesisyunan ko na ring i-celebrate yung birthday ko together with them. Kasama si Jims, Angeline at yung iba pa nilang kabarkada na ngayun din na-tiyempo.

Inakay ako ni Max na maupo at nakita ko na hindi kami apat dito. Merong tatlong lalaki ang naka-upo rin doon at masayang nagtatawanan habang umiinom.

"Emmily this is, Marvin Herrera." Turo nya sa gwapong lalaki na medyo mahaba ang buhok muka lang din syang kaedaran ni Max. Bumati naman ito at ganoon rin ako. "Si Nick Pineda at Renz Francisco. Parehas ng may asawa yan." Biro pa nito.

"Gago ka pare, single ako tonight! Hahaha! Biro lang, mahal ko asawa ko. Nice to meet you pretty lady." Sabi nung Nick sabay kuha sa kamay ko at hinalikan yung likod ng palad ko, naramdaman ko naman ang pag bulong ni Max. "Ganyan talaga yan." Ngumiti lang ako.

"Nice to meet you Emmily, girlfriend ka ni Maxstone?" Diretsahang tanong ni Renz.

"A-ah, hindi pa. Nice to meet you all rin."

Tumango-tango yung mga kaibigan nito.

"Hindi ka pa pala girlfriend, pero itong si Max grabe na kuminang ang mata. I thought matagal na kayo. Sobrang excited pa nga to nung umalis kanina para sunduin ka e." Straightforward na tao to I guess, pero natuwa naman ako sa sinabi nya. Naupo kami at nagkwentuhan.

"Alam mo ako ang pinaka sa grupo namin. Pinaka-mabait, masunurin, mapagmahal at matino ako since college. Blunt lang ako magsalita." Sabi ni Renz.

"Kaya pala under ka ni misis, blunt ka samin pero kay Jessica tiklop ka." Pahayag ni Marvin. Napuno na naman ng tawanan yung table namin.

"Hahaha, kaya nga bumabawi na lang sa iba e, pero seryoso masaya magka-asawa lalo na pag may anak." Medyo lasing nitong pahayag. Ganoon na rin kami pero si Max kontrolado nya dahil alam kong ihahatid nya pa ako.

"Sa wakas Max, matapos mong magluksa ng mahabang panahon kay Michelle e nakahanap kana ng bago. I guess, alam mo ha? Kayo na. Ganyan din kami nun ni Jessica e, basta kung mahal nyo ang isa't isa kahit anong problema resholbahin nyo!" Pahayag muli nito, halatang lasing na at tumungga ulit ng alak.

I know about his past naman e. Pero wala na akong paki-alam doon. Sabi rin kasi nya past is past at hindi raw sya magdi-date ng iba kung may mahal pa syang iba. Iba si Max. Tahimik lang sya kung magmahal pero sobrang lalim, I can sense it the he told me that, pero naka-get over na daw sya at ako na ang present at kasamang gagawa ng memories sa future.

Napatingin naman ako kay Max. Nakangiti nya akong tinitigan habang nagkakabiruan na yung grupo nila. Kung kanina kami ang ginigisa ngayun naman ay si Jims at Angeline.

Nakita ko ang pagkinang ng mata ni Max. I don't know kung dahil sa ilaw or what pero mas nagbabago sya habang tumatagal. Binigyan nya ako ng saglit na halik sa labi ko. I was thinking about kung sasagutin ko na ba sya. Hindi pa naman sya nagtatanong, well, knowing Max? Hindi talaga yan magtatanong, basta nararamdaman ko yung pagmamahal nya sakin? Hindi na kailangan ng label pa.

Unti-unting nawawala ang mga tao sa bar. Kami naman naparami ng inuman dahil nalaman nga nilang birthday ko na daw bukas kaya ayun si Renz, sya pa talaga ang sumagot ng inumin imbes na si Max. Hindi naman nagpaawat dahil sabi nya...

"Ano ba kayo, minsan lang to! At sana pag nakita ulit tayong lahat may mga mag-asawa na kayo ah?" Ganun na lang sya ka-confident idikta ang future, but I like it.

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon