Chapter seventeen

651 20 0
                                    

#LMLYD by WantedGirlWriter

Different

It's now third week of march. And so far so good and going strong ang relationship namin ni Max. I'm not a daydreamer pero pag si Max ang naiisip kong kasama ang layo ng nalalakbay ng imahinasyon ko, tulad mamaya I was planning to prepare a dinner with na ako ang magluluto ng mga kakainin namin. Dinner date, pero gusto kong mag exert ng effort, na ngayun ko lang gagawin.

"Emmily, pwede ba?"

"Bakit?" I ask, half astonished.

"Hindi ako sanay na ganayan ka ngumiti. Kumbaga sa baliw, malala ka na."

"What's wrong?"

"Girl, overdose ka na sa salitang blooming!"

"Masama ba?" Alala kong tanong.

"Hindi naman. Nakaka---err. Nakaka-panibago ka. Parang ngayun ka lang na-inlove. Kamusta naman, parang highschool lang ampeg?"

"Grabe ka naman, ganun ba ka-obvious?"

"Sobra pa sa sobra."

"Eh kasi si Max, lagi akong pinapakilig."

"Wow, take note. Kilig talaga? Paano? Romantic, intimate or erotic way?"

"Secret!"

"Expected ko na yun! Di ka na bata doc,"

"Ouch naman, parang sinabi mong ang tanda ko na."

"Hindi naman, muka nga tayong magka-age e. By the way, anong plano nyo this summer vacation?"

"Hm. Maghahanap ng resort, yung relaxing. Kayo ni Jims?"

"I don't know. Bakit kaya hindi na lang tayo magsama-sama?"

"Good idea, sasabihin ko kay Max."

"Yeah, isang linggo na lang bakasyon na naman, e three weeks lang ang vacation natin di ba?"

"Yeah,"

"Ilang months na kayo ni Max?"

"Mag to-two pa lang."

"Wow, wala pang pag-aaway ang nagaganap?"

"Wala pa naman, walang balak si Max."

"Taray! Confident na confident! O sya sige, sabihin mo kay Max ah? Tapos text nyo kami para naman makapag-prepare kami ni Jims."

"Sure, una na ko? 6PM na eh."

"Nagmamadali??"

"Yeah. Why? May date pa kami ni Max, sa bahay. Ako magluluto."

"Ay, taray! Parang asawa na! Osige, ingat! Good luck doc Emmily!"

"Thanks Ange."

Ngumiti lang ito at umalis na ako at nagmamadali. I drove off, nagmamadali akong nagpalit ng damit. It's already 6:30PM, itinali ko na yung buhok ko into bun, nagsuot ng apron at nagsimula ng mag luto. I decided to cook afretada and menudo since favorite ni Maxstone iyon.

I finished cooking afretada when I heard Max calling my name, at nataranta naman ako. Gosh, hindi na umabot yung balak kong surpresahen sya.

"Hm. Ang bango... Sakto, I'm hungry..." I pout and put down the the knife.

"Ang aga mo, akala ko ba busy ka?" Madalang na kasi sya dito natutulog, siguro thrice a week, sabi nya kasi may inaasikaso daw sya. Hindi ko naman tinanong dahil alam kong sa bar lang iyon.

"Ayaw mo ba?"

"I'm planning to surprise you, e!"

"I'm surprised, really. Ano bang meron?"

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon