#LMLYD by WantedGirlWriter
Tears of joy
"Ahhhh, dyan babe, ang sarap... Ahhhh."
"Saan? Dito?"
"Yan! Ahhh, idiin mo pa... A-aaaray, yan sige masakit!"
"Ewan ko sayo! Sabi ko naman sayo magpamasahe na lang tayo sa labas e!"
Hinampas ko yung likod nya na sinasabi nyang masakit. Sabi nya kasi nadulas daw sya sa CR kagabi at yung sa may balakang nya raw ang tumama. Dahil pagod na ako kagabi ay hinayaan ko lang at natigil din sa pangungulit.
Ngayun naman minamasahe ko sya habang nakadapa sya at naka-upo ako sa likuran nya at nakapantulog pa talaga kami dahil umagang umaga nagmamaktol dahil daw masakit yung likod. Dahil effective yung pagpapacute nya, naawa naman ako.
"Dali na, mas masarap kasi kapag ikaw. Nawawala yung sakit." Hinawakan nya yung kamay ko at ibinalik doon sa may balakang nya. Pinisil ko naman yon.
"Sus, e kanina ka pa nga dyan aray ng aray."
"Ibig sabihin nun masarap."
"Para-paraan ka din no?"
"Babe naman, sige na, tinulugan mo na nga ako kagabi e."
"Pagod kasi,"
"Kaya nga, dapat bumawi ka."
"Oh ayan,"
"Yan, ahhhhh!" Hininto ko nga yung pagpisil.
"Bakit ka huminto?"
"Tigilan mo nga ang pag halinghing!"
"Bakit anong masama?"
"Ang panget pakinggan?"
"Panget? Ang sarap nga sa tenga eh. Ahhh-- Ahhh-- Araaay!" Kinurot ko nga sa likod nya kaya napaharap sya.
"Ano bang masama? Eh sa masakit kasi and at the same time masarap." Lumabas na naman yung pilyo nyang ngiti.
"Basta tigilan mo na yan... Bahala ka nga, parang niloloko mo lang naman ako e." Aalis na sana ako sa pagkakaupo sa tiyan nya ng hawakan nya ako ng mahigpit.
"Isa Max," Saway ko sakanya.
"Dalawa," Sagot nito at ngumiti ng nangaasar. Gusto ko na ring ngumiti dahil sa kakulitan ng abnoy na to. Hawak pa rin nya yung dalawang wrist ko na nasa dibdib nya.
"Tatlo," Sagot ko na kunwari ay naaasar na. "Pag di mo ako binitawan---"
"Ano yun babe?" Tukso nito.
"Paparusahan kita..."
"Hmm. Parang gusto ko yan." Gusto kong mapa-face palm kung hindi nya lang hawak yung kamay ko. Tumawa na lang ako na parang di makapaniwala.
Alam kong wala na naman akong lusot kaya magdadahilan na lang ako. Sa totoo lang nilalamig na ako dahil magdamag na bukas yung aircon.
"Dali na, bitawan mo na ako. Nilalamig na ako e, papatayin ko lang yung aircon."
"Edi... papainitin kita..."
This time tumawa na talaga ako. Hay nako, wala talagang lusot.
"Hay nako Maxstone,"
"Yes babe?" Nahiga na lang ako sa dibdib nya at binitawan na nya yung kamay ko.
Napasandal ako sa dibdib nya at pakiramdam ko inaantok na naman ako. Naaamoy ko na naman yung natural nyang amoy. Bwisit na lalaki to, kahit kailan ang bango. Kahit siguro hindi maligo to ng isang linggo marami pa ring babae ang lalapit dito imbes na langaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/42573453-288-k734014.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RandomShe hates him on their first encounter. She hates him because he look so innocent, uptight, dry, lame and boring sa kabila ng pagiging gwapo nito. But she didn't expect that all of those conclusion were wrong at iyon pa ang magiging dahilan kung bak...