Chapter thirteen

697 18 4
                                    

#LMLYD by WantedGirlWriter

My life

Today is saturday. Maaga akong gumising para mag exercise. Pinauwi ko muna si Max kahapon dahil straight three days syang dito natutulog kahit na may period ako nung tuesday nagstay pa rin sya dahil na-mi-miss nya daw kaagad ako tsaka kung ano-anong reason ang binibigay nya.

Matapos kong mag exercise naglinis ako ng unit ko. Kinuha ko yung vacuum cleaner at naglaba ng mga damit ko. I rested for half hour atsaka naligo. Nagbabad ako sa tub because I feel so relax. I scrubbed every part of me.

Sa lahat ng sulok ng bahay ko parang naaalala ko si Maxstone na parang koala kung makakapit sakin. I smiled with the thought.

Si Angeline naman hindi na ako kinukulit dahil mukang may tampuhan sila ni Jims, hindi ko naman sya kinulit na magkwento basta sabi ko kung kelangan nya ako andito lang ako para sakanya. I know they can fix naman yan kung nagmamahalan sila.

Paano kaya kung kami na ni Max ang nagkatampuhan? Kahit ayaw kong isipin na mangyayari yun alam ko namang meron at meron parin, pero wala pa kaming first fight, at kung magkakaroon man sana maayos agad namin.

I opened the shower at tumapat sa ilalim nun. Dinadama ko yung warm water na dumadaloy sa katawan ko. I miss Max. I miss making out with him here in the tub, gosh. Kahit kailan hindi ko inexpect na mag made love sa loob ng banyo pero ngayun parang wala na akong pakialam. Parang pag-ibig ko sakanya. Hindi nasusukat ng ikli ng panahon at oras na nakilala ko sya basta mahal ko sya at I don't care kung saan kami mag make love as long as we want and we meant it.

Umahon na ako at kinuha yung robe at nagbihis. I know maraming inaayos yun si Max, ilang araw ba namang wala sa bar. I went to the kitchen at isinet ko lahat ng kailangan ko. I open my wifi and connect it on my IPad, naghanap ng magandang i-bake. I research how to make cookies or biscuit para madali at nakakita naman agad ako, a gingerbread.

Sinunod ko yung procedures, hopefully may mga ingredients pa ako dito,ginamit ko yung mga measuring cups na regalo ni mama. Almost half hour passed and I shaped it gamit yung mga binigay ni mama na may cute na shape like ginger bread men.

"Wow," I smell it nang mailabas ko sa oven. Ang bango, I never thought na ganito magiging kabango tong ginawa ko. Pinicturan ko ito and posted on instagram, hinawakan ko pa yung isa at itinabi ko sa muka ko at nag-selfie. May mga flour pa ako sa muka at medyo pawis. I look so hot.

I taste it, and hm. Successful! May mga natira pa so, kinorte ko iyun na pangalan namin ni Max, since hindi na kasya naging Emax lang ang nagawa ko. I giggle with that. Ang corny, pero isinalang ko pa rin. Next kong ginawa yung dark chocolate brownies. Medyo nahirapan ako dahil medyo maraming kelangan, buti na lang may natira pa akong powder na kape para pumait. Every measures kailangang sakto, walang labis walang kulang, parang tulad ng pag-ibig. Wow, inspired talaga ako, obviously.

"Ang bango ah?"

"Max!" Sigaw ko dito at yumakap sakanya at hinalikan. "Nag be-bake ako..."

"Wow, sakto pala ang pagpunta ko ah?" Tinitigan ko sya. He cup my face. "I miss you, Max." He kiss the tip if my nose at pinahid nya yung mga flour sa muka ko.

"Me too," Siniil na naman nya ako ng halik sa mga labi ko. "Patikim ng binake mo ah?" Tumango ako at naamoy ko yung binake ko na halatang luto na.

"Oh my gosh, luto na yung brownies." Tumakbo ako papuntang kitchen at kinuha yung brownies gamit yung potholder. Ipinatong ko iyon sa lamesa. Hiniwa ko yung brownies at nakita kong lumapit si Max.

"Taste this," Isinubo ko sakanya yung gingerbread.

"Wow, hindi ko alam na masarap ka rin pala mag-bake." Tinaas-taas nya yung kilay nya at hinapit ako. Kumuha ako ng isa pang gingerbread at isinubo sakanya at dahil medyo mahaba yun kinagat ko yung nakalabas. I clung my arms around his nape at parehas naming inubos yun. Nabulunan naman ako kaya napabitaw ako sakanya natawa kami pareho at inabutan nya ako ng tubig.

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon