Chapter fifteen

688 12 0
                                    

#LMLYD by WantedGirlWriter

My Everything

Time flies and today we are going to meet my mother, with Max. Tinawagan ko si mama last week to tell her na may boyfriend na ako, hindi sya nagulat, in fact natuwa pa nga si mama. Paghahandaan daw nya ang pagdating namin ngayung sabado.

"Babe, ayos ba yung suot ko?" Tanong ni Max sakin habang nakatingin sa salamin. Hm, casual lang naman ang suot namin dahil hindi naman kami sa restaurant magkikita, masyadong pormal, isa pa gusto kong maging close kaagad si Max sa family ko.

"Yes, pogi ka parin. Kinakabahan ka ba?"

"Slight, at the same time excited."

"Good, tara na babe?"

5PM kami umalis dahil doon na rin kami magdi-dinner, para na rin makapag-kwentuhan sila nila mama.

"Babe, di ba sabi mo Quezon City ang parents mo at sa Villa Berde village sila?" Tanong ni Max habang nagmamaneho.

"Yes, why?"

"Nasabi ko na ba sayo na doon rin nakatira ang parents ko?"

"Really?" Gulat kong tanong at tumango sya.

"Small world, so anong plano? Pupuntahan natin sila?"

Siguro naman hindi sya kilala ni mommy dahil malaki naman ang village na yun at ang mga tao doon hindi nakikipag socialize sa neighborhood, mga busy kasi.

"If you want?"

"Of course I want. Teka, alam ba naman nila na may girlfriend ka na?"

"Hindi pa, pero matagal na silang nangungulit at baka pagpinakilala kita, baka isipin ni mama na, you know. Ikaw na yung babaeng pakakasalan ko, baka mabigla ka sa mga itatanong ni mama, alam ko namang wala pa tayo doon eh."

"It's okay, who would have thought na tayo talaga? Ayos lang, parang nakakatuwa naman ang parents mo."

"Actually si mommy lang, sabik rin kasi syang magkaanak na babae, kaya every time na may dadalahin kaming babae sa bahay, todo alaga and expect sya. Di ba, puro lalaki kaming magkakapatid." Tumango ako. Oo nga, hindi ko rin masisisi ang mommy nya.

"Ayos lang, it's my pleasure to meet your mom din. Tawagan mo na kaya?"

"Hindi na, mas gusto ko pumunta don ng hindi nagpapaalam para surprise."

Ilang minuto ng byahe byahe ay nakarating rin kami sa village. Itong village na ito ay may dalawang way pag nakapasok ka ng gate. It's either turn left or right. Yung house namin ay sa kaliwa  at sabi ni Max sa kanan daw yung kanila, few blocks away mula sa unang bahay. This village is really beautiful. May mga artista rin kasing dito nakatira.

Bumaba kamj at sinalubong kami ni mama dahil sabi ko malapit na kami, pinagbuksan ako ni Max ng pintuan at inalalayan.

"Ma,"

"Emmily, anak." Niyakap ako ni Mama at napatingin sya sa lalaking katabi ko. Medyo tumingala si mama dahil medyo mababa si mama at matangkad naman si Max.

"Ma, this is Maxstone, Max mama ko si mommy Amanda."

"Ijo, ikaw ba ang nobyo nitong si Emmily?" Tumango si Max at ngumiti.

"Opo, ako po si Maxstone tita," Sabi nito sabay kuha ng kamay ni mama at hinalikan ang likod ng palad nito. Ngumiti naman si Mama.

"Parang nakita na kita, ano bang apelyido mo?"

"Villafuerte po, Maxstone Villafuerte."

"Gosh! Sabi na nga ba familiar ka! Ikaw ba yung pangalawang anak ni Yna?" Takang nagkatinginan kami ni Maxstone, sumagot naman sya.

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon