Chapter seven

738 16 3
                                    

#LMLYD by WantedGirlWriter


Malanding Ugnayan


Medyo maaga akong pumasok sa work. Hindi ko rin nakasalubong si Ryan. Abot tenga ang ngiti ko ngayun. Habang papasok na ako sa room namin nagulat ako dahil andun agad si Angeline. Wow, ang aga ni Ange.

"Wow, sobrang blooming! Kwento!"

"Ayoko nga..." Pakipot akong naupo at ibinaba yung bag ko.

Naaalala ko na naman yung kiss namin. Paulit-ulit kong sinampal yung sarili ko nun matapos ko syang halikan pero hindi ako nakaramdam ng pagsisisi, in fact parang gusto ko pa.

Suddenly I imagined his luscious lips. Wet, pinkish, thin and so sweet at yung mata nya matapos ko syang halikan? Waaaaahh! Parang may kumiliti bigla sa tyan ko at napatili ako sa pag-iisip. He was stunned that day by my action pero may kakaiba pa rin talaga sa halik nya. Hindi naman kami uminom nun pero pakiramdam ko nalasing ako.

He's an uptight man but a good kisser. Ni wala naman syang ginawa kundi hapitin ang bewang ko at tugunin yung halik ko diba?

"Hoy girl! Andaya!"

"Angeline.... We kissed...."

"What? Anong feeling? Masara ba? Yiiiieee! Kinikilig ako!!" Sunod sunod nyang tanong at impit na tumili.

"Oo, pakiramdam ko yun ang first real kiss ko." Lutang kong sabi. Tama! Sakanya ko naramdaman yung feeling na gusto kong maging first kiss, very passionate.

"Describe the feelings teh! Ano'ng ginawa nya pagkatapos?"

"Pakiramdam ko nasa kawalan lang kami kaso panira yung elevator, biglang may dumating."

"Hindi man lang kayo pumasok?"

"Ano ka ba? Kakakilala lang namin noh!"

"Kahit na! Ilang weeks na rin kayo magka-kilala, mabait naman sya no! So ano na?"

"Yun nag good bye ako... Basta he kissed me back naman at walang imik."


"Ganun? Sabagay, baka nahihiya pa sya sayo? Uptight nga te. Pero infairness! Improving talaga, at hindi sya umangal ha. That's good news, sabi kasi ni Jims matagal na yang walang girlfriend... "

"Napagkwentuhan nga rin namin. Our date went well..."

"Saan kayo nagpunta?"

"MOA. Ako rin pinag-decide nya kung saan daw ang mga gusto ko."


"Gosh, such a gentleman talaga! Girl, bet ko talaga sya for you!" Ngumiti lang ako.

At dahil maaga nga kaming dumating nag kwentuhan kami. Sya naman ang tinanong ko about kay Jims pero bumabalik kay Maxstone. Until may dumating na patient. Balak din namin pumunta mamaya sa bar. Napa-oo na lang ako dahil somehow, gusto ko rin syang makita.

Parang he gives me a reason to enjoy life. Hay ewan, napaka-irrational ng feelings ko. May bahagi sakin na gusto lang syang i-provoke just to know him more. Kung anong ugali nya. Hindi ko naman akalain na ako pa ang mag iinitiate nung halik. First time kong ginawa yun! Gosh! Andami ko palang nagawa together with him na first time. This unusual feelings.

"Anong balak mo sa birthday mo?" Next week na nga pala yun. Medyo matagal pa. Tinignan ko yung calendar. Linggo papatak yung February 14.

"With family... syempre."

"Sa next Saturday, punta na lang ulit tayo sa bar ni Maxstone! Dun na lang natin icelebrate yung birthday mo together with us!"

"Nice idea. Sige.... Napapadalas ata pagpunta natin sa bar ni Maxstone ah?"

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon