Chapter 1

341 22 91
                                    

Chapter 1: Ere
Zanashi

Maingay ang klase, sa pangunguna syempre ng grupo namin, habang hinihintay ang pagdating ng professor namin sa Fundamentals of Accounting.

All seats were already filled. Ngayong puno na, medyo nagsisi akong sa third row umupo. Kita naman ang white board pero ang daming ulong malilikot.

"Huy, kanina ka pa namumula?" puna ni Glenn sa akin.

Tumakas ang isang mahinhing tawa sa bibig ko at maarteng inipit ang takas na buhok sa aking tenga.

"Ganito talaga pag tinitigan ng isang Yohan Carlamente."

"Adik ka?" tawa ni Jescelyn. "Lagi ka na lang nananaginip ng gising."

Tinuro ko ang sarili ko at 'di makapaniwalang tumingin sa kanila.

Ako? Nananaginip? Umiling lang sila at nagpatuloy sa kanilang pag-uusap, tila sanay na sanay nang ganito ako.

Gago? 'Di naman 'yon gawa-gawa lang. Talagang tumitig sa akin si Yohan. Kung ayaw nilang maniwala, e 'di wag! Napako ang tingin ko kay Yohan na kasalukuyang nakatitig ngayon sa kanyang armchair. Napangiti ako nang malapad. Ayos lang kahit 'di nila ako paniwalaan, mas magandang kami lang ni Yohan ang nakakaalam ng espesyal na okasyon na 'yon.

Maya-maya lang, may isang lalaking pumasok sa room. Tingin ko'y nasa late twenties na sya. He's wearing a grey formal button down shirt and black slacks. Bitbit nya sa kanang kamay ang laptop habang ang kaliwang kamay ay dumiretso sa projector screen para hilain ito pababa.

"Good morning, class."

Tumayo kaming lahat at balak na sanang bumati pabalik nang sabay-sabay para magpasikat, pero napahinto kami nang itaas nya ang kanyang palad at sinenyasan kaming maupo.

Kunot na ang noo nya ngayon.

"You're no longer in high school. You can just greet me while sitting. Hindi nyo kailangang mag-sabayang pagbigkas."

Napapahiyang napatingin sa akin si Glenn. Pinigilan ko ang sariling tumawa. Sya kasi ang may pinaka-malakas na boses kanina, talagang gustong magpakitang-gilas sa prof namin.

"Akala ko may plus points.." bulong nito kaya natawa ako.

"Do you find anything funny, miss?"

Nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling kay sir. Dahan-dahan ko pang nilagay ang mga braso ko sa armchair para ayusin ang paraan ng pag-upo ko. Nakatingin na ngayon ang blockmates ko sa akin.

"Then don't laugh."

Potangena.

Kasalanan na palang tumawa ngayon? Bad shot na agad ako kay prof. Badtrip naman oh. Sana makalimutan nya ako agad. 'Di naman ako gano'n ka-remarkable para maalala.

Mabilis syang nagpakilala sa amin. Ni hindi man lang nya isinulat ang pangalan nya sa white board.

"Ilang sections ang first year ngayon?" tanong ni Professor Badlawan sa klase, seryosong-seryoso.

Walang nagtangkang sumagot nang dahil sa kaba. "Is anyone in the room with me?" sarkastiko nyang basag sa katahimikan kaya halos lahat kami ay nauutal na sumagot.

"F-five, sir."

"Hmm.. Marami-rami," humalukipkip sya. "Siguradong marami ring mababagsak."

Kumuyom ang kamao ko. Binagsak ko na lang ang tingin sa armchair ko para 'di nya mahalata ang pag-irap ko.

Ayaw ko sa mga ganitong teacher. They should encourage us to achieve our dream, o kung masyado itong labag sa loob nila, at least they shouldn't discourage us from hoping. Ang iba pa naman sa mga nangangarap, mabilis makaramdam ng takot kaya imbes na sumubok muna, mas pinipili nilang sumuko na lang agad.

To Believe Again (Dream Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon