Chapter 16

321 19 93
                                    

Chapter 16: Familiarity
Zanashi

Trigger Warning// Mention of Self-Harm

Two weeks after our confrontation, nothing much changed. My sister is still unconscious, the beeping sound from the machine is still the same, still not a single dinner with my family, and the throbbing pain inside my chest still remained. Araw-araw nga lang, pasakit nang pasakit.

I closed my eyes while kissing my sister's hand.

Nothing much changed except I haven't visited the Carlamentes since then, the academic pressure is getting heavier because of the approaching midterm exam, every limb in my body is getting weak, and the hope inside me is slowly sinking.

Pero hindi pa man ito tuluyang nawawala, pinapaalala ko sa sariling magtiwala lang na magiging maayos ang lahat. In times of misery, there is nothing else I could do but to believe. Everything will be fine soon. It will all be okay.

Dumiretso ako sa 7-Eleven tulad ng lagi kong ginagawa.

Pagkatapos kong magpalit ng uniform ay nilapag ko ang aking libro sa tabi ng monitor. Nagnanakaw na lang ako ng tingin kapag marami ang customer. Pero kapag wala, malaya akong nakakapagbasa.

Ayos lang kahit dalawa hanggang tatlong page lang ang mabasa ko. Basta maramdaman ko lang na meron akong nagawa.

Ang baba na ng class standing ko. Mahihila ko lang ito kung five mistakes lang ako sa exam. Nahilamos ko ang palad sa mukha. Paano ko naman magagawa iyon? Hindi naman ako isang Pantorilla o De Lopezes na kayang iperfect ang exam. Sobrang imposibleng papasa ako pero patuloy akong naniniwala. What could go wrong if I believe, right?

Inilipat ko ang page gamit ang nanginginig kong kamay. Hinawakan ko ito nang mariin at napapikit.

These days, hindi na kayang itago ng katawan ko ang pagod na nararamdaman. Lagi ay nanginginig ang mga kamay ko, minsan ay tuluyan nang bumibigay ang tuhod ko, hindi ko na rin maitago ang madilim na pasanin sa baba ng mga mata ko at ang pamumutla ng mga labi ko.

I could feel a customer standing in front of me. Bago ko pa maimulat ang mga mata ko ay naramdaman ko na ang pagdampi ng malamig na bagay sa pisngi ko. I did not flinch, and that thought almost made me laugh. Sa sobrang panghihina, hindi na ako nagugulat sa mga nangyayari.

"Have you eaten your dinner yet?" dinig kong tanong niya. Tumango ako kahit konti lamang ang nakain ko.

When I finished punching and packing his order, muli akong yumuko at nagpatuloy sa pagbabasa.

Nilabas niya ang dalawang chuckie mula sa mga binili at inilapag sa tabi ng libro ko.

"I will be waiting outside. Bumili ako ng pang-dinner mo. Kapag tapos na ang shift mo, let's eat."

Tumango na lang ako at pilit inangat ang sulok ng labi para mabigyan siya ng ngiti. He heaved a sigh and tilted his head to the side. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang ipinasada ang kanyang daliri sa gilid ng labi ko, pinipigilan ako sa balak kong pagngiti.

"You don't have to force yourself. Ngumiti ka kung talagang masaya ka. Hindi mo kailangang magpanggap kapag ako ang kaharap mo, pre."

Pinanood ko siyang lumabas para umupo sa isang table na naroon. Kinagat ko ang labi at bahagyang nakonsensya.

Sa lahat ng mga nangyari, siya lang ang palatandaan ko na hindi pa tuluyang nagbabago ang lahat. He's still as cheerful and caring as before. Ang tanging nagbago lang sa kanya ay ang hindi niya pang-aasar sa akin.

He was consistent, though. He is always coming here every night. He will then wait outside until my shift is over, then he will drive me home. I really appreciate his help. Nababawasan kahit papaano ang pagod ko. Pero nakakakonsensya. I couldn't even show him that I was thankful. Kahit konting pagngiti lang, hirap akong gawin.

To Believe Again (Dream Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon