Chapter 2

303 18 55
                                    

Chapter 2: Courage
Zanashi

He knows.

Alam kong alam nyang gustong-gusto ko sya, na handa akong maging tanga para sa kanya. 'Di ko rin naman tinatago ang paghangang nararamdaman ko.

Lahat ng mga kakilala ko, gustong-gusto ang mga mata ko. Kahit wala raw akong sabihin, kitang-kita sa mga mata ko ang iniisip. Kitang-kita ang emosyon.

Si Mama, alam na alam kung kailan ako nagsisinungaling. Si Papa, alam kung kailan ako natatakot. Si Roselaine, alam kung kailan ako seryoso.

Kaya alam kong sa bawat pagsalubong ng mga tingin namin, nababasa nya ang labis kong kagustuhang makausap sya.

Me and my mother decided to do our favorite pastime tonight— baking cookies and muffins! Sya nga lang ang nagluluto at nanatili lang akong bantay.

I like watching people cook. It seems so fun. Gusto ko ring matuto pero isinumpa ata ako ng kusina dahil kahit anong ensayo ko, lagi pa ring palpak. Kaya nanonood na lang ako.

"Oh.. bigay mo na ito sa Tita Vita mo."

"Hmm, ang bango! Pahingi ako ng isa pang container, Ma."

Pinandilatan nya ako ng mata pero ibinigay naman sa akin ang isa pang container. Tila alam na ang balak kong gawin. Nilagyan ko ng candy sprinkles ang muffins. Matagal bago ko magawang heart shaped ang sprinkles.

"Ma, bigay ko lang 'to sa pamilya ng asawa ko."

"Mandatory na ata ang pagiging delulu mo, ate.." singit ng kontra-bida kong kapatid.

Nakangiti akong lumabas sa gate at dumiretso sa katabi naming bahay. Kumatok ako, ang ngiti ay nanatili habang nakatingin sa hawak kong dalawang container.

"Lynn? What brings you here?" tanong ni tita matapos akong yakapin. "I haven't seen you in a while. Abala sa college life?"

"Sobra, tita. Easy lang pala sa college no? Easy lang mawalan ng hininga."

She laughed. "Kamusta naman ang accountancy? 'Di ako makakuha ng matinong sagot sa anak ko. Alam mo naman 'yon, kailangan pang magbigay ng alay para lang magkwento."

Natawa ako. Sobrang tahimik nya talaga. Pati pagkwento, pinagdadamot sa Mama.

"Ayos lang naman po. Tamang plus at minus lang. Tamang dagdag sa stress at tamang bawas sa lifespan, gano'n."

"Puro ka pa rin talaga kalokohan, Lynn. Kung anong ingay mo, gano'n naman ka-walang imik ang alaga ko."

"Ang galing ni Yohan, tita! Lagi syang highest sa section namin."

"Really? I'm glad he's doing great.." halata ang gulat sa kanyang mukha. "I was kind of worried when he entered your program. Alam mo namang hindi sya mahilig magbasa. Tamad 'yan mag-aral. Pero simula nga no'ng college, nakikita ko na syang nagbabasa."

Talagang matalino si Yohan. Kung gugustuhin nya, mukhang posibleng maging top sya ng batch namin. Medyo tamad lang talaga syang magbasa. Mula noong high school, hindi nya sine-seryoso ang pag-aaral. Nakakahanga na isa pa rin sya sa top students kahit 'di sya nagsusunog ng kilay! Ang kilay ko nga, sunog na sunog pero naghihingalo pa rin ang grades.

Binigay ko kay tita ang dalang container. Tiningnan nya ang laman at todo ngisi naman sya nang makita ang laman ng isang container.

"Bakit may favoritism naman ata, Lynn? Gusto ko rin ng heart!"

"Tita! Isa lang naman ang puso ko at alam mo naman kung sinong nagmamay-ari nito."

Sabay kaming tumili, parang mga tanga. Napasilip tuloy si tito at nag-aalalang itinanong kung ayos lang ba kami. Saglit pa kaming nagkwentuhan ni tita bago ako tuluyang magpaalam.

To Believe Again (Dream Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon