Chapter 21

368 19 118
                                    

Chapter 21: Favorite
Zanashi

"One week lang daw ang external auditors dito. Uuwi rin sila next wednesday."

I was organizing the company's Code of Conduct requested by the Senior External Auditor when Pristine glided her swivel chair towards me.

"One week lang?" hindi ko mapigilang isatinig ang pagkadismaya.

That fast? I haven't even introduced myself to the team yet! Kinausap ko na ang supervisor last week na kung pwede ay ako muna ang assistant ng External Auditors pero hindi raw sila nagrequest. Siguro ay dahil nga one week lang naman sila rito.

"I know right?" dismayado rin si Pristine. Ngumuso siya at pabagsak na sumandal sa kanyang swivel chair. "Akala ko pa naman tatagal ng one month ang pagiging ganado kong pumasok. Gosh, tagong-tago pa nga ang office nila. Paano ako makakasilip doon sa dalawa? Pagtatawanan na naman ako ng boyfriend ko nito."

On the other hand, hindi rin masamang isang linggo lang sila rito. Ibig sabihin, hindi ko na muling makakausap at makikita pa si Yohan.

"Overtime nga sila kahapon, eh. Halos madaling araw nang umuwi."

"I doubt that," agad kong tugon. Maagang umuwi ang isa, eh.

"Ay? Lagi akong mali sa accounting pero sa balita, hindi ako nagkakamali. Even the other Internal Auditors, overtime din."

Kumunot ang noo ko. Overtime pala? Bakit ang lakas ng loob niyang ihatid ako pauwi? I rolled my eyes. E 'di ako pa ang masama sa mata ng team nila kung nagkataon?

Mula sa code of conduct na hawak ay lumipat ang tingin ko sa sticky note na nakadikit sa kaliwang bahagi ng aking cubicle. Nahihiya akong humarap kay Pristine.

"Did you bring your laptop?"

Wala akong laptop kaya kung may assignments, research, or terminal output kaming ginagawa, nakikihiram lang ako sa mga kaibigan ko. Pristine would always let me borrow her laptop. May computer din daw kasi sila sa kanilang bahay.

Pristine nodded. "Do you want to borrow it for today? Actually, pwede mong iuwi. I'm not gonna use it naman until tomorrow."

"Really?" I smiled sincerely at her. "Salamat, Pristine."

Tumagal ang titig niya sa akin. "Don't smile at me like that. Baka hindi ko mapigilan ang sariling makipag-break sa boyfriend ko," biro niya.

Laging ganito ang mga biro ni Pristine. Minsan ay hinihiling niya na sana raw ay naging lalaki na lang siya para may kaagaw daw si Anthony sa panliligaw sa akin.

Alas nuebe ng umaga nang muling magkaroon ng meeting kasama ang External Auditors. Todo iwas kami ng tingin ni Pristine sa aming supervisor pagdaan niya sa cubicle. Yumuko ako at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng papel. Please, sana hindi na niya kami isama sa meeting. Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nila.

"Miss San Jose and Miss Caballero, let's go. Three-hour meeting with the Audit Partner's team. Don't forget to take notes."

Nagkatinginan kami ni Pristine at nagpakawala ng hilaw na ngiti. Our shoulders were slumped when we started to leave our cubicles. Well.. I guess I would be spending my whole morning in hell.

Upon arriving at the conference room, we went straight to our usual spot. Nasa gilid lamang iyon kaya hindi namin naistorbo ang kasisimula lang na meeting.

Few seconds inside and I could already feel a pair of eyes staring at me. Inayos ko ang pagkakaupo at tumingin sa Chief Internal Auditor na kasalukuyang nagsasalita sa harap. I gritted my teeth when those eyes continued to gaze at me with too much concentration, as if silently commanding me to do something. Bothered, my eyes automatically found the person who owned those vivid eyes. He raised his brow out of contentment when our eyes locked.

To Believe Again (Dream Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon