Chapter 7

322 20 76
                                    

Chapter 7: Friends
Zanashi

"Avelynn Silva San Jose."

Halos kalahati ng block mates ko ay napatingala kasabay ang malakas nilang pagbuntong-hininga. Ang iba ay napapikit na lang habang bahagyang napasuntok sa ere ang kamao.

Nanginginig naman akong tumayo, ang binti ay nasagi pa ang notebook na nakalagay sa armchair ko.

Agad itong pinulot ni Glenn at awang-awa akong tiningnan. Sa kabila ng awa na nakikita sa kanyang mga mata ay ang pasasalamat na hindi index card niya ang nabunot.

"S-sir?"

Hindi ako tinapunan ng tingin ni Professor Badlawan. Sa halip ay bumagsak ang tingin niya sa hawak nyang mga index card. Inayos niya ito bago itinabi ang index card ko.

"Explain Article 1226."

"P-po?"

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Gulantang ko naman syang tiningnan. Hinintay ko siyang magsalita ulit dahil baka namali lang ako ng dinig pero hindi na niya inulit pa ang tanong.

Nang mabasa ang pagkainip sa mukha niya ay agad akong nagsalita.

"Sir, that article is under Section 6 po. Obligations with a Penal Clause. Our discussion last meeting stopped at Obligations with a Period."

"That doesn't explain Article 1226."

"Y-you said last meeting sir that we will be discussing Section 2 to Section 4 today. Section 5 and 6 will be discussed next week. S-sabi nyo po."

Bumagsak ang kamay niya sa table at matalim akong tiningnan. "You only need to explain the article, Miss San Jose. You're lucky I didn't give you a case scenario."

"S-sir.."

"Either you explain or five points will be deducted from your class standing."

Napamaang ako, hindi makapaniwala.

Halos wala akong maayos na tulog kagabi dahil binasa ko ang Article 1193 to Article 1222. Ang resulta, wala pala doon ang ipapa-discuss nya?

Maiintindihan ko sana kung hindi niya sinabi sa amin last session na 'wag munang pag-aralan ang Article 1223 pataas.

"U-uhmm.. in obligations with a penal clause.. u-uh.."

"That's it!" putol nya sa akin. "You wasted enough of my time."

What?

Nanginginig ang labi ko habang pinagmamasdan ko siyang sulatan ang index card ko. Muli siyang bumunot sa mga index card kaya unti-unti akong napaupo.

"Remain standing, Miss San Jose."

Wala akong nagawa kung hindi ang muling tumayo.

"Rhazelle Nombrado."

Bahagyang napatingin sa akin si Rhazelle. Kakitaan ng takot ang mga mata niya dahil tulad ko, alam kong hindi rin niya inabot ang parteng itinatanong ni sir.

Kabado na rin ang lahat, hindi inaasahang didiretso si sir sa Section 6 gayong sabi niya ay next week pa idi-discuss.

"S-sir, according to A-article 1226-"

"No. Explain Article 1193."

What the fuck?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Bumagsak ang tingin ko sa buhok ni Jescelyn na nakaupo sa tapat ko, ang luha ay nagsimulang mangilid nang dahil sa kakaibang galit at inis na namuo sa damdamin ko.

To Believe Again (Dream Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon