Chapter 8

288 16 60
                                    

Chapter 8: Ask
Zanashi

"So.. pag insurance during construction.. included sa cost of the building. Payment of claim not covered by insurance is excluded.."

Unti-unting nahulog ang talukap ng mga mata ko kasabay ng dahan-dahang pagsubsob ng aking ulo sa notes na nakalapag sa table.

Bago pa ako tuluyang pumikit ay mabilis na akong bumalik sa tuwid na pagkakaupo.

"Okay.. again.. insurance during construction, included. Not covered by insurance.. excluded.."

Muli ay naramdaman ko na naman ang panghihikayat ng antok sa akin.

Wala ng pumapasok sa isip ko pero alam kong 'pag nagpadala ako sa antok, magsisisi lang ako sa huli. Sayang ang oras. Katatapos lang ng mockboard namin at midterm exam na naman next week.

Malakas akong umiling, determinadong mapatalsik ang antok sa sistema ko.

"Avelynn, gumising ka, okay? Si beauty ka lang pero hindi ka si sleeping beauty."

Biglang may humawak sa magkabilang bahagi ng ulo ko para patigilin ako sa ginagawang pag-iling. Ang init ng palad niya ay ramdam ko sa kabila ng nanlalamig kong mukha dahil sa diretsong pagbuga ng aircon sa akin.

"Cause you could be the beauty and I could be the monster.." bulong nitong kanta sa akin bago tuluyang tumayo.

Agad akong lumingon. Nakatayo si Anthony sa likod ko habang hawak ang ulo ko. Nahaharangan niya ang aircon kaya ang panlalamig ko ay panandaliang napawi. Sa halip ay naramdaman ko ang init na nagmumula sa katawan niya. Ang ID holder niya ay bahagya pang tumama sa leeg ko dahil sa sobrang lapit ng katawan niya sa akin. Ngumisi siya at muling nilapit ang mukha sa akin.

"Kalmahan lang natin, mahal kong kaibigan. Maawa ka naman sa brain cells mo. Kapag nawala 'yang isa, isa na lang matitira. Payag ka no'n? E 'di lamang na si Glenn ng isa."

Mabilis na sumalubong sa kaniya ang notes ni Glenn. Sapul sa mukha. Tumawa si Anthony at muling ibinalik ang notes kay Glenn.

"Kung makapagsalita ka, akala mo wala tayo sa iisang samahan, ah? Kasali ako sa samahan ng mga bobo pero itatak mo sa kokote mong hayop ka na kasama ka rin. Feeling exempted amputa.." gigil na saad ni Glenn bago muling nagpatuloy sa pagbabasa.

Napahawak si Anthony sa dibdib niya at madramang umupo sa tapat ko. Umarte pang hindi makahinga.

"Puta. Ang sakit naman magsalita ng kaibigan mo, pare.." pagsusumbong nito sa akin.

"Why are you here?"

"Puno na ang study hall. Wala na ring available na conference room kaya saglit muna kaming makikibahay sa inyo."

I sighed and rolled my eyes.

I shivered when I felt the cold air once more against my neck. Ang init na binigay ng katawan ni Anthony ay bigla na lang naglaho.

"Man, why are some people so serious nowadays? Lalo na itong mga nasa harap ko. Akala mo naman laging umaabot sa kalahati ang score sa quiz."

Matalim namin siyang tiningnan.

Kung sa ibang pagkakataon, siguradong makakalbo ito sa akin pero dahil naghahabol ako ng oras ngayon, pinalagpas ko na lang ang mga pang-aasar niya. Nginisian niya lang kami bago kinuha ang book sa bag.

Nandito kami ngayon sa conference room. Galing kami sa study hall pero nang may hindi maintindihan sa topic ay pumunta muna kami rito para magpaturo kay Rhazelle.

Mabilis lang itong naipaliwanag ni Rhazelle pero imbes na bumalik sa study hall ay nanatili na lamang kami rito para ipagpatuloy ang pag-aaral.

"Hey.."

To Believe Again (Dream Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon