Chapter 12

289 15 56
                                    

Chapter 12: Unhealthy
Zanashi

When we got home, I was welcomed by my father's embrace. Halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya sa akin.

"My princess.." he kissed my temple repeatedly before checking my whole face.

Ramdam ko ang panginginig ng napakalamig niyang kamay. Kumunot ang noo niya at namula ang mga mata pagkakita ng pisngi at labi ko.

"Anong.. anong ginawa sayo ng mga gagong iyon?!" histerikal niyang sigaw.

I was taken aback. This was one of the very few moments I saw him getting mad like this. Ang huling beses ay noong high school ako.

May lalaking nagkagusto sa akin na ayaw akong tigilan. Sinundan niya ako isang araw hanggang sa bahay namin at nakita ito ni Papa. Galit na galit siya noong mga oras na iyon pero mas matindi ang galit niya ngayon.

"Sinong.. sinong walanghiyang.." sinabunutan niya ang sarili at bigong pinagmasdan ang mukha ko. "Anak, I'm sorry.. I wasn't there to save you. I'm sorry, my baby.." he hugged me once again.

"It's okay, papa. You can calm down now."

"N-no.. paano ako kakalma kung ganyan ang kalagayan mo? Maayos ka namang umalis.. bakit.. bakit.. Yohan, please sabihin mo anong nangyari sa anak ko."

Humarap siya kay Yohan at hinawakan ito sa balikat.

Lumapit sa kanila si Tita Vita at Tito Seb para tumulong sa pagpapakalma pero ang tingin nila ay nanatili sa akin. I could see so much worry and relief in their eyes.

Hindi ko na nasundan pa ang usapan nila nang salubungin din ako ng yakap ni Mama.

"Ma? Bakit kayo umiiyak? Di naman ako napaano?"

"A-anong hindi? Ang pula ng pisngi mo tapos may sugat ka pa sa labi? Anong ginawa nila sayo, anak?" isinubsob ni Mama ang mukha sa balikat ko.

"Ang mahalaga, walang nangyaring mas malala, Ma."

"Nag-alala kami nang sobra. Mamamatay na ata kami sa pag-iisip kung nasa mabuting kalagayan ka ba."

Natanaw ko ang kapatid na umiiyak sa pinto. Ngumiti ako at sinenyasan siyang lumapit. Agad siyang nakisali sa yakapan namin ni Mama.

Sumunod si Ziah pero huminto rin kalaunan para bigyan ang pamilya namin ng oras.

My sister was trying her best to control her sobs but to no avail.

"Tanga, umiiyak ka talaga?" asar ko sabay batok sa kanya nang mahina. "I thought the last time you would cry was when our parents didn't allow you to attend your favorite band's concert?"

"I was so worried, ate!" umiiyak niyang sumbong.

"Kung sabagay. Deserve ko talagang iyakan. Parang nakikita ko ngang may luluhod sa akin in the future. Sa ganda ko ba namang ito."

I tried to lighten up the mood. Ang seryoso nila! Hindi niya pinatulan ang pang-aasar ko, bagay na talagang nakakapanibago.

"Inaway pa naman kita pag-alis mo. Natakot ako na baka 'yun na ang huling pag-uusap natin!"

"Aba! Dapat lang na makonsensya ka. Umipit ka pa ng patay na ipis sa libro ko! Alam mo bang napahiya ako kakasigaw habang may klase?"

"B-baka nagdala ng malas sayo 'yung ipis, ate. Sorry! Sana sinunod ko na lang ang plano ni Ziah na lagyan ng butiki ang sapatos mo.." iyak niya.

"Ano?!"

Tiningnan ko nang masama si Ziah pero naiiyak din siyang yumakap sa akin. Napaatras ako dahil sa tatlong kasalukuyang nakayakap sa akin.

To Believe Again (Dream Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon