Chapter 22: Care
ZanashiWhen saturday came, I found myself grinning from ear to ear while staring at the man driving next to me. I watched how he raised his right eyebrow and pursed his lips, clearly wanting to appear more nonchalant, but the flush in his cheeks revealed his true emotion.
"Kasasakay ko lang pero kilig na kilig ka na dyan?" asar ko.
Ginulo niya ang kanyang buhok. Sandali niya akong tiningnan nang masama, ang mukha ay pulang-pula. Muli siyang tumingin sa daan at ang kamay ay mahigpit na humawak sa manibela.
"Stop staring!" reklamo nito. "Alam kong gwapo ako, matagal na. Your validation is not needed, thank you very much."
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Evita is right. His aura is indeed more vibrant than before. He looked more free and brighter. Ang ganda niyang pagmasdan ngayong nagsusumigaw ng kalayaan ang katauhan niya.
"Gwapo mo nga."
He suddenly pushed on the brake pedal. Mabuti na lang at red light. I watched in amusement as the blush flowed from his cheeks to his neck.
"Tangina mo."
A laugh escaped my lips. "Aba, minumura mo ako? Ten points deduction. Ayoko sa mga lalaking minumura ako."
"Ang sabi ko, tounge in a mouth. Gusto mo ba kamo subukan? Pili ka lang kaninong dila ang ipapasok."
"Damak!"
Inabot ko ang buhok niya at walang-awa siyang sinabunutan. We both laughed in unison. He pulled my hand from his hair before deliberately intertwining our fingers.
"Ay, sorry. Nadulas."
Sinundot ko siya sa tagiliran gamit ang kaliwa kong kamay kaya natatawa niya akong binitawan. Bago umandar ang sasakyan, inabot niya sa akin ang paperbag na kinuha niya mula sa backseat. Napangiti ako nang makita ang binili niyang cream cheese garlic bread.
"Yan ba ang natutunan mo sa review class? Kung paano madulas sa kamay ng babae? Sige nga, ano ang pinagkaiba ng withholding tax on compensation at expanded withholding tax?"
"Putulin mo na lang kamay mo, pre. Ayoko nang makipag-holding hands kung ganyan lang din ang kapalit."
"Ano nga?"
"Hindi ko alam. Alam mo namang ayaw na ayaw ko ang tax."
"Even so! Kailangan mo pa ring pag-aralan. Hindi porke hate mo ang tax ay exempted ka na sa exam," seryoso kong pangangaral.
Kumunot ang noo niya at bahagyang kumibot ang labi. Huminga siya nang malalim. "Hindi ko alam ang sagot. Ano ba ang pinagkaiba ng dalawa?"
"Hindi ko rin alam, hehe."
"Ano ba 'yan?!"
"Kaya nga tinatanong kita, 'di ba?"
He squeezed my whole face using his right hand. Sa sobrang laki ng kamay niya, kayang-kaya nitong takpan ang buong mukha ko. Higante talaga.
"May questionnaire, walang answer key?" asar nito bago pinakawalan ang mukha ko.
"Duh! Sa pagitan natin dalawa, ikaw dapat ang nakakaalam!"
"You're wrong!" pagalit nitong saad. "Sa pagitan nating dalawa ay ang gear lever!"
He even pointed at the gear lever on the center console that was located in between our seats. Inirapan ko siya at hindi pinansin ang kanyang sinabi.
"Ikaw kaya ang nagrereview ngayon. Graduate ka na. Dapat alam mo na 'yan."
"Pasensya na kung sa dasal lang ako kumakapit, ha? Pasensya na kung nangingitim na ang tuhod ko kakaluhod."
BINABASA MO ANG
To Believe Again (Dream Series #2)
General FictionAvelynn is a dreamer and a believer. She's not your typical top student but once she set her goal in achieving something, she'll do everything to reach it. But when it comes to Yohan, she'd rather stare, dream, and believe than converse with him bec...