Chapter 3: Nervous
ZanashiUnang mock board, kabado na agad ako. One week pa lang, halos sunugin ko na hindi lang ang kilay kundi ang buong pagkatao maintindihan lamang ang laman ng libro ko.
Hindi ko alam kung mahirap ba talaga ang binabasa ko o sadyang bobo lang ako kaya wala akong maunawaan.
"Ano raw? Expense method ang ginamit pero bakit ganito ang balance?" tanong ni Glenn.
"Saan ba dyan? Patingin nga.." saklolo agad ni Rhazelle. "Okay, explain ko sayo sa conference room. Guys? Sama kayo?"
Mabilis kaming umiling. May kailangan akong tapusin at mukhang gano'n din sina Jescelyn at Evita. Bawal mag-discuss dito sa study hall kaya kung may group study or discussion man, sa conference room dapat.
Nang mapagod ang mata ko sa mga numbers, muli akong tumitig kay Yohan.
Syempre, sya ang pahinga ko.
Ngayon lang sya ulit pumunta sa library. Mukhang naaalala lang nya na may library sa university tuwing may exam.
Sa kabilang table sila umupo ni Anthony. Nakatalikod sa akin si Yohan at sa tapat naman nya si Anthony. Kasama nila si Rowan, kaibigan nila mula sa Block C.
"Pag lumingon ka, akin ka.." bulong ko sa nakatalikod na si Yohan. Napatingin si Anthony sa akin.
Sinenyasan nya akong magpatuloy sa pagbabasa nang makita ang paninitig ko kay Yohan. Para lalo syang asarin, lalo pa akong pumangalumbaba.
Pabiro akong nag-flying kiss sa likod ni Yohan. 'Di pa nakuntento at tinaas ko pa ang kamay ko para mag-finger heart. Malakas ang loob ko kasi alam kong hindi nya ito makikita.
Bigla syang kinalabit ni Anthony at nginuso ako. Mas mabilis pa sa kidlat kong iniwas ang tingin, kabadong-kabado.
Mula sa peripheral vision ko ay inabangan ko ang paglingon nya. Nang 'di sya gumalaw, inambaan ko ng suntok si Anthony.
"Sinong gago? Tanginamo.." sambit ko pero walang tunog.
Sinita ako ni Jescelyn. "Pag 'yang boses mo na-unmute, mapapatapon ka talaga sa labas."
Bumalik ako sa pagbabasa. Bawat linya ay ilang beses kong inuulit-ulit para lang maintindihan. Tuloy ay halos limang page lang ang natapos ko sa loob ng isang oras. At sa limang page na 'yon, bilang lang ang naintindihan ko.
I stretched my shoulder at muling pumangalumbaba para tumitig ulit sa pahinga ko. Napairap lang ako nang maabutang nakatingin sa akin si Anthony. Kumawala ang finger heart nya sa ere kaya kumawala rin ang middle finger ko.
Natawa sya at muling kinalabit si Yohan. Alam ko namang 'di ito lilingon kaya muli kong itinaas ang kaliwang kamay para mag middle finger. Dalawa para dama.
Halos mahulog ako sa upuan nang lumingon sa direksyon ko si Yohan. Bahagya pa syang natigilan bago tuluyang kumunot ang noo. Mabilis kong ibinagsak ang kamay. Talagang tumama pa ang siko ko sa table!
Salubong na salubong ang kanyang mga kilay. Dismayadong-dismayado nang makita ang dalawang middle finger ko sa ere.
Sinita ako ng librarian. Maging ang mga ibang accountancy students na nagre-review sa tabi namin ay napatingin sa akin.
"Girl, nakakahiya.." bulong sa akin ni Evita.
Tawa nang tawa si Anthony. Sa sobrang hiyang naramdaman ay hindi ko na sya napatulan.
Simula noong kinausap ko sya, feeling close na sya sa akin!
Minsan, inaagawan pa nya ng upuan si Glenn sa klase. Nasusuntok tuloy sya nang wala sa oras.
BINABASA MO ANG
To Believe Again (Dream Series #2)
General FictionAvelynn is a dreamer and a believer. She's not your typical top student but once she set her goal in achieving something, she'll do everything to reach it. But when it comes to Yohan, she'd rather stare, dream, and believe than converse with him bec...