Chapter 11: Care
ZanashiNanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga bagong dating. Ilan dito ay nakausap ko na ngunit karamihan ay kilala ko lang sa pangalan at mukha.
Salubong ang mga kilay nila at ang labi ay nagmistulang isang linya. Kahit alam kong kasama sila ni Yohan ay nakaramdam pa rin ako ng matinding panganib dahil sa presensya nila.
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumigat ang hangin pagdating nila. Wala silang dalang kahit anong armas— maliban sa isang may hawak na kutsilyo.
"I was hoping I wouldn't see your face again after we beat you up years ago. Kapal din talaga ng bayag niyo, 'no?" said Francis, dating member ng taekwondo club, while glaring at them.
Ramdam ko ang kaba nina Rustom at mga kasama, lalo na nang makita ang kutsilyong hawak ng isa.
Bahagya pa itong kuminang nang pasadahan niya ito gamit ang kanyang daliri habang nakatingin sa tatlo, tila nang-aasar. Napaatras pa ang dalawa papunta kay Rustom pero sa kabila nito ay nanatiling matigas ang kanilang mga mukha.
"Fuck, nandito na naman ang mga putanginang ito.." dinig kong bulong ng kasama ni Rustom.
Katabi ni Francis ang isa pang miyembro ng nasabing club na lagi ko ring nakikitang kasama ni Yohan dati— si Victor John. He looked unamused, lalong-lalo na nang mapatingin siya sa amin.
Sila lang ang namukhaan kong parte ng taekwondo club noong high school kami. Ang natitirang mga kasama nila ay nakilala ko lang ngayong college na, maliban kay Oliver na kaibigan ni Luisa.
"Ngayon mo ilabas ang tapang mo, Rustom. Fair fight. Ako, si Francis, at Yohan laban sa inyong tatlo," ani Victor John.
Bumagsak ang tingin ko sa kasama nilang kanina pa nakatingin sa akin, tila gustong-gustong lumapit pero naghihintay lang ng senyales mula sa mga kasama niya.
"Anthony.." bulong ko.
He smiled and nodded, as if telling me that everything will be alright now that they are all here. "You're safe now.." he mouthed.
Unti-unting umangat ang nanginginig kong labi, natutuwang makita ang kaibigan sa mga oras na ito.
Natutuwang nandito sila para iligtas kami.
"What the fuck, Yohan? Talagang nagdala ka pa ng mga kasama? Naduduwag ka ba?"
Ipinilig ni Yohan ang ulo sa gilid at tumaas ang sulok ng labi nito.
"I'll give you three seconds to change your mind and leave," panggagaya nito sa sinabi ni Rustom kanina.
Napalingon-lingon naman sina Rustom na para bang naghahanap ng mga kasama. Nang makitang walang dumadaan kahit isa ay napamura na lamang siya.
"Three.." panimula nitong bilang.
"Alright, alright! Oo na, putangina! Aalis na kami.." agad nitong suko. "Tandaan mo, babalikan ka namin, Yohan."
Huminto sa pagtibok ang puso ko nang tapunan niya ako ng tingin, ang mata ay nagsusumigaw ng galit.
"Babalikan namin kayo."
Ramdam ko ang lalo pang paghigpit ng hawak sa akin ni Jescelyn. Pinulot ni Rustom ang kanyang jacket at nagsimula nang maglakad paalis.
"But before that.." agad na pigil ni Yohan.
"What the fuck is it this time?!"
Bumagsak ang tingin sa akin ni Yohan. Muli ay natunaw ang dilim at panganib na dala ng mga tingin niya. Bahagyang pumungay ang kanyang mga mata at marahang ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
To Believe Again (Dream Series #2)
General FictionAvelynn is a dreamer and a believer. She's not your typical top student but once she set her goal in achieving something, she'll do everything to reach it. But when it comes to Yohan, she'd rather stare, dream, and believe than converse with him bec...