Chapter 10: Fight
ZanashiAng nagwawala kong puso dulot ng matinding kaba at takot ay bahagyang kumalma.
Napahinga ako nang malalim bago kumawala ang isang butil ng luha sa mata ko— hindi maipaliwanag ang matinding pasasalamat habang nakatingin ngayon sa lalaking naglalakad palapit sa amin.
Rustom laughed sarcastically. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. Muli niyang hinawakan ang likod ng ulo na tila ba nasasaktan siya.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Yohan. Huminto siya sa harap nito at nakipagtitigan.
"A piece of advice, my friend. If you are in someone's territory, you should keep your eyes close and your mouth shut."
I can feel the tension emitting from them.
Tumakbo palapit sa akin ang dalawa kong kaibigan nang makawala sila sa hawak ng mga kasama ni Rustom. Agad nila akong tinulungang umupo.
"Avelynn, are you okay?" umiiyak na tanong ni Glenn habang tinitingnan ang buong mukha ko, lalong-lalo na ang leeg at pisngi ko. "Putangina, may sugat ka sa labi."
"A-ang braso at tuhod mo?" nanginginig kong tanong. Hindi na siya nakasagot pa nang hawakan ni Jescelyn ang kamay ko.
"Lynn, I'm so sorry! Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko!" hagulgol ni Jescelyn.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting galit sa kanya.
Ayaw ko siyang sisihin sa mga nangyayari pero sumasagi sa isip ko na kung hindi lang sana siya pumunta sa lugar na ito, hindi sana nalagay sa panganib ang buhay namin. Kung sumama na lang sana siya agad sa amin, hindi na sana lumala pa ang gulo.
Kumuyom ang kamao ko at tumingin sa mga lalaki, hindi na pinansin pa ang paghingi niya ng tawad.
"Hindi ka ba napapagod sa pangingialam mo?" ngising tanong ng isa kay Yohan pero batid ang matinding pagkamuhi sa boses nito.
Nanumbalik ang takot ko nang makita na ang dalawang kasama ni Rustom ay pumwesto sa likod ni Yohan. Sumisipol silang dalawa habang pinapatunog ang kanila mga daliri.
Sandali lang silang tinapunan ng tingin ni Yohan bago muling tumingin sa kaharap, ang mga mata ay lalo pang dumilim.
Yohan Carlamente knows how to fight and he's even good at it. He has proven it so many times. He was part of our school's taekwondo team since we were in our primary level. Ilang beses na siyang ipinadala ng region namin para sa Palarong Pambansa. He was a gold medalist and the whole city were proud of his achievement.
When we were in junior high school, he was involved in multiple riots just outside our campus.
He was disqualified in the Palaro as a consequence. Muntik pang mawala sa taekwondo team pero hindi hinayaan ng mga kasama niyang mangyari ito.
For some reason, everyone in their team was so attached to him. Hindi naman siya palasalita pero kuhang-kuha niya ang loob ng mga ito.
"Napaaway na naman ang crush mo? Nagkagulo rin last month at kasali din siya, 'di ba?" tanong ni Rhazelle habang nakikisiksik kami sa mga taong nagkukumpulan sa labas ng campus.
Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay nagpatuloy ako sa pagsilip, atat na makita kung nasa maayos ba na kalagayan si Yohan.
I was relieved when I saw him talking to one of the police officers in the area. He was so serious while pointing at some guys that were lying on the ground.
Ang iba dito ay galing sa ibang school, ang iba ay nakasuot lamang ng itim at grey na damit, at ang iba ay nakasuot pa ng uniporme namin.
Maraming napuruhan sa mga nakasibilyan pero may iilan kaming schoolmates na malala rin ang sugat na natamo.
BINABASA MO ANG
To Believe Again (Dream Series #2)
Ficción GeneralAvelynn is a dreamer and a believer. She's not your typical top student but once she set her goal in achieving something, she'll do everything to reach it. But when it comes to Yohan, she'd rather stare, dream, and believe than converse with him bec...