Chapter 6: Tingin
ZanashiNatigil ako sa balak kong pag-akyat nang bumukas ang pinto namin. My right leg that was about to step on the tread suddenly stopped midair. Nakayuko pa ang ulo ko, as if I was caught red-handed!
Pakiramdam ko ay kitang-kita nila ang namumula kong mukha kahit pa nakatalikod ako dahil sa paraan ng pagtawa nina Roselaine at Ziah.
"Ate Lynn! Bakit naman aakyat ka agad? Nandito na si kuya oh. Sayang naman ang pagpapaganda kung 'di yan masisilayan."
"Ipakita mo naman kung gaano kaganda ang lahi natin, ate! Harap nga dito!"
Unti-unti akong humarap — almost like a robot that was following her owner's command submissively. Napangisi naman siya.
"Ayan! Kita mo 'yan Kuya Han? Ganyan ang mukha ng lahi namin kapag kagigising lang. Ang ganda no? Pero mas maganda siguro kung halo ang lahi namin at lahi nyo."
Parang mga tangang nagtilian sina Roselaine at Ziah, talagang nagsapakan pa ang dalawa na para bang mamamatay na sa kilig! Nakakahiya!
Pulang-pula ang mukha ko lalo na nang magtama ang paningin namin ni Yohan.
He looked so simple yet breathtakingly handsome. The fabric of his cotton shorts stopped just above his knee, revealing his long and muscular leg. His white tee shirt was hugging his body comfortably— hindi masikip pero hindi rin gano'n kaluwag. And the way his dark roast coffee hair falls gracefully around his face was so mesmerizing to see.
Hindi ko alam kung pinagloloko lang ba ako ng mga mata ko pero nakita ko ang paggalaw ng mga mata nya, tila pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Muling bumalik ang tingin nya sa mga mata ko. Ipinasada nya ang mahahabang daliri sa kanyang buhok bago bahagyang tumingin sa gilid. Dumiretso ang daliri nya sa ibabang parte ng tenga para pisilin ito. Wala na atang paglalagyan ang hiya ko nang makitang unti-unting umangat ang sulok ng labi nya.
Anong nakakatawa? Yung buhok ko ba? Itong sweatshirt ba na suot ko? Masyado bang bago para magmukhang pambahay? Nahalata nya kaya ang lip balm ko? O yung powder? Baka naman naamoy nya hanggang doon ang pabango ko?
Hiyang-hiya akong tumingin sa paa ko.
"Ate Lynn, anong ulam natin? Kain na tayo. Gutom na kami ni Ziah. Napagod kami sa activities na binigay sa amin ngayong araw!" reklamo ni Roselaine habang tinatahak ang kusina.
Agad na sumunod sa kanya si Ziah.
Naiwan kaming dalawa ni Yohan, tahimik lang at walang gumagalaw. Mula sa paa ay inangat ko ang tingin sa kanya. Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nakatingin din sya sa akin. Bahagya ring nanlaki ang mga mata nya, tila gulat din sa biglaang pagtatama ng mga tingin namin.
Kabado akong ngumiti bago dahan-dahang sinundan ang kapatid ko sa kusina— atat na atat nang takasan ang awkwardness na namumuo sa pagitan namin. Naramdaman ko naman ang pagsunod nya sa akin.
"Magpapa-deliver na lang ako ng ulam. Hindi ako marunong magluto, eh.." nahihiya kong tugon pagdating sa kusina.
Huminto ako malapit sa kitchen doorway. Tumingin sa akin sina Roselaine pero hindi ko ito napagtuonan ng pansin lalo na nang maramdaman ko ang presensya sa tabi ko.
Sa tulong ng peripheral vision ko ay nakita kong sumandal sya sa doorway, ang mata ay saglit na tumingin sa akin bago tumingin sa kapatid ko. Lumipat ang tingin ni Roselaine sa kanya. Ngumiti ito nang nakakaloko.
"Hala? Nakakaturn-off naman 'yan! Bakit 'di marunong magluto? Paano ang magiging asawa mo nyan?"
Bumagsak ang tingin ko sa bangko at pinigilan ang sariling ipalunok ito sa bisugong rosas.
BINABASA MO ANG
To Believe Again (Dream Series #2)
General FictionAvelynn is a dreamer and a believer. She's not your typical top student but once she set her goal in achieving something, she'll do everything to reach it. But when it comes to Yohan, she'd rather stare, dream, and believe than converse with him bec...