Chapter 13: Insecure
Zanashi"What are the five requisites of a valid consignation?"
Bahagya akong nabuhayan sa tanong ni Professor Badlawan. Nabasa ko ito kagabi at sinaulo!
I answered immediately, takot na baka maliin na naman niya ako kapag umabot sa three seconds ang pag-iisip ko.
"Existence of a valid debt which is due, tender of payment by the debtor and refusal without justifiable reason by the creditor to accept it, previous notice of consignation to persons interested in the fulfillment of the obligation, consignation of the thing or sum due, and subsequent notice of consignation made to the interested parties."
Mabilis at tuloy-tuloy kong binigkas ang sagot ko na para bang may naghahabol sa akin. Kulang na lang ay umatras si Gloc 9 sa oras na hamunin ko siya ng rap battle. I swear, I even heard Anthony beatboxing at the second row!
Natawa ang mga kaklase ko pero hindi sila pinansin ni prof. Sa halip ay nagsalubong ang kilay niya na tila hindi nagustuhan na kabisado ko ang sagot.
Naghanda na ako sa sunod niyang tanong.
"What are the five instances when tender of payment is not required?"
Tumakas ang ngiti sa labi ko. Ang ganda ko talaga ngayong araw!
"First, when the creditor is absent or unknown, or does not appear at the place of payment. Second, when he is incapacitated to receive the payment at the time it is due. Third, when he refuses to give a receipt without just cause. Fourth, when two or more persons claim the same right to collect. And lastly, when the title of the obligation has been lost."
Natuwa ako nang marinig ang palakpakan ng mga kaklase ko.
Hay, sa wakas! Maiisip na rin nilang medyo hindi ako bobo. Kaya ko ring sumagot tulad nila 'no! Sadyang mahihirap lang ang tinatanong sa akin ni sir. Ewan ko kung bakit ganito lang ang tanong niya sa akin ngayon.
Kung memorization lang naman, 'wag akong hahamunin ni sir. Memorization lang ang bumuhay sa akin mula elementary at high school kaya kering-keri ko ang ganito!
Alam ko namang hindi ako titigilan ni sir. Tatadtarin niya ako ng tanong hanggang sa wala na akong masagot. Kaya naman, laking gulat ko nang sabihin niyang pwede na akong maupo.
Huh? Parang nagkamali ata siya? Dapat tatanungin niya pa ako tapos hindi niya ako hahayaang makaupo! Hindi ko na lang siya pinansin at nanatiling nakatayo.
Nagsimulang bumunot si sir ng isa mula sa 60 index cards na hawak. Pabagsak niyang ibinaba ito nang makitang hindi ako gumagalaw.
"Why are you still standing, Miss San Jose? I said you may now take your seat!"
"Luh?" hindi ko mapigilang bulalas.
Mula sa second row ay matinding pagsenyas ang ginawa sa akin ni Anthony.
"Tanga pre, upo na! 'Di ka naman matalino!" he managed to say without creating a sound.
Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako sa ginawa niya o maooffend. Mabilis akong umupo.
Pagkatapos ng oblicon ay taxation naman. May ipapagawang pair activity sa amin ang kararating lang sa classroom na si Professor Baldwin Aronson at sa kasamaang palad, si Anthony pa ang pares ko!
Masama ang tingin ko sa kanya pag-upo niya sa tabi ko.
"Bakit ikaw?"
Napahawak siya sa dibdib niya na tila labis na nasaktan sa tanong ko.
"Bakit ikaw? Bakit hindi ang kaibigan mo?" dagdag ko pang tanong.
"Ako raw kasi talaga ang para sayo."
BINABASA MO ANG
To Believe Again (Dream Series #2)
General FictionAvelynn is a dreamer and a believer. She's not your typical top student but once she set her goal in achieving something, she'll do everything to reach it. But when it comes to Yohan, she'd rather stare, dream, and believe than converse with him bec...