Chapter 9: Danger
ZanashiTrigger Warning// Mention of Harassment
We went straight to a coffee shop near our university after our last session with Professor Aronson. May long quiz kami bukas sa Intermediate Accounting kaya balak naming mag-overtime sa pag-aaral.
Tumingin ako kay Evita.
Balak ko sana siyang kausapin tungkol sa mga sinabi at asta niya kanina pero natigil ako nang makitang seryosong-seryoso siya sa pagbabasa.
Matagal ko na siyang gustong tanungin kung may problema ba siyang dinadala. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil mukhang hindi pa siya handang ibahagi ito sa amin.
Alam ko namang siya na mismo ang magsasabi kapag handa na siya. Baka kailangan lang niya ng oras.
"Gumala na naman si Jescelyn? Baka hindi niya alam na may quiz bukas?" nag-aalalang tanong ni Rhazelle habang nakatingin sa kanyang phone. "Mukhang lasing pa."
Naudlot ang balak kong pag-inom sa belgian chocolate frappe na hawak.
Ipinakita niya sa amin ang isang video mula sa account ng batchmate namin galing sa Block A. The video shows some of our classmates and some students from different blocks— mostly from Block C and D.
"Posted 19 minutes ago? Nasa kabilang bayan pa siya kung gano'n. Anong oras siya makakauwi niyan? Malalim na ang gabi, ah?" hindi ko na rin mapigilang mag-alala.
Nasa babang parte pa ng bayan namin ang bahay nina Jescelyn. Kung nasa kabilang bayan pa siya, siguradong hindi na ligtas para sa kaniya ang bumyahe pauwi.
"You should message her, Lynn. Sabihin mong susunduin natin siya," saad ni Glenn.
Mabilis niyang niligpit ang gamit at nilabas ang susi ng sasakyan.
"Hindi na ako sasama. Hindi ako pwedeng magpagabi nang sobra.." alanganing sabi ni Rhazelle, tila gusto ring sumama para sunduin ang kaibigan namin.
Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat.
"It's okay.." tumingin ako kay Evita na nakatingin na sa amin ngayon. "Evita, idadaan ka na rin namin sa bahay niyo. Kami na ni Glenn ang susundo kay Jes."
Kinuha ko ang phone at mabilis na nagtipa ng mensahe.
Me:
Jes, sabihin mo kung nasaan ka ngayon. Susunduin ka namin.Kunot-noo kong pinanood ang video. Ang dibdib ay unti-unti na namang kumirot habang pinagmamasdan ang mukha ni Jescelyn.
Mukha siyang mas masaya. Mukhang mas ganado sa buhay.
Sabay kaming napatingin ni Rhazelle sa phone ko pagtunog nito. Mabilis kong binuksan ang message ni Jescelyn.
Jes:
Someone will drive me home.Me:
Sino? Pwede bang mahingi ang number niya?Jes:
Stop asking.Me:
Jes, gabi na. May quiz pa tayo bukas. You should go home.Jes:
And study? Wtf. You are all the same. You should worry about yourself. Kaya ko ang sarili ko.Humigpit ang hawak ko sa phone.
Glenn laughed sarcastically after reading Jescelyn's reply. Padabog niyang binitawan ang susi sa table.
"Okay! It's her choice. Masakit man na makita siyang nagkakaganyan, wala na tayong magagawa pa. Ang importante, ligtas siya..." muling bumagsak ang tingin ni Glenn sa aking phone para panoorin ang video. "... at masaya."
BINABASA MO ANG
To Believe Again (Dream Series #2)
Genel KurguAvelynn is a dreamer and a believer. She's not your typical top student but once she set her goal in achieving something, she'll do everything to reach it. But when it comes to Yohan, she'd rather stare, dream, and believe than converse with him bec...