Daniel's POV
Andito ako ngayon sa bahay nina Kath. Gusto kong iexplain sakanya lahat..
Kahit ipagtabuyan pa ako ni Miles, wala akong pakialam..
Ang alam ko lang, mahal ko si Kath..
Kanina pa ako nagdodoor bell kaya lang, walang nagbubukas. San kaya sila?
"KATH! PLEASE LUMABAS KA JAN! MAGPAPALIWANAG AKO! PLEASE!" sigaw lang ako ng sigaw.
Bigla namang may nagbukas ng gate. Teka? Kasambahay to nina Kath eh. -.- Naman oh. Kanina pa ako nagdodoorbell, di binubuksan.. Tss.
"Iho, pasensya na kung di ko narinig. Kanina pa ba andito? Naglalaba kasi ako eh." nako manang..
"Ok lang po yun. Si Kath po ba? Anjan?"
"Nako iho. Wala na sila." ha?
"Saan po nagpunta?"
"Di ba sinabi ni Maam Kath? Pupunta sila ng States nina Maam Miles at Sir Katsumi." WHAT?!
"Anong oras po yung flight nila?"
"Sa pagkakaalam ko, 12:45 eh." tinignan ko yung relo ko at 12nn na. Pwede pa ako makahabol.
"Sige po. Salaman po manang!" agad akong sumakay sa kotse ko at nagpatakbo ng mabilis papuntang airport. Buti nalang at walang traffic. Nako. SALAMAT!
12:25 na. May ilang minuto pa.
Agad kong pinark ang kotse ko at pumasok sa airport.
"Sir, may plane ticket po ba kayo?"
"Wala eh. Pwede bang papasukin mo ako? Please! Kailangan ko lang talaga sundan ang girlfriend ko. Please." nagmamakaawa na ako sa guard pero ayaw talaga eh..
"Guard, papasukin niyo na siya. Sagot ko na yan." teka. Kilala ko yun ah..
"BEA!!!" Agad ko siyang niyakap.
"The one and only dear cousin! Dali na! Sundan mo na si Kath. Sige ka. Pag nahuli ka, ikaw ang kawawa."
"Pero.. Paano?"
"Si JC at Seth. Kinuento nila sakin lahat kanina. Nagkita kami bago sila tumungo dito sa airport. Galit pa rin sila kaya ayaw kang tulungan kaya ayun. Ako ang tinawagan nila para tulungan ka." sabi na eh. Di pa rin talaga ako matitiis nun eh TT^TT