Daniel's POV
Isang linggo na rin ang nakalipas nang magkita kami ulit ni Kath.
Di ko alam kung magagalit ba ako o magiging masaya.
Lagi ko silang nakikita ni Katsumi. Nagkukulitan. Naglalandian. SA HARAP KO PA.
Alam niyo yung respeto? USO YUN! -.-
Gaya ngayon. Andito kami ng buong barkada sa resort nina Kath. Bigay raw to sakanilang dalawa ni Katsumi ng mga magulang nila.
PAKIALAM KO? -.-
"Hoy Daniel! Umaga pa oh. Umiinom ka nanaman?" sabi ni Seth.
"OA lang Seth? Ice tea to oh!"
"Ay pasensya naman!" Tss.
"Kats naman eh! Wag ka nga!"
"Sus. Sige na Kath! Isa lang! Ang damot mo naman eh."
"Oh eto na. Isa lang ah!" binigyan naman ni Kath si Katsumi ng subo ng Ice cream.
KUNG GUSTO NIYONG MAGLANDIAN, PWEDE BANG WAG SA HARAPAN KO!? MASAKIT EH!
"Huy Daniel! Anong problema mo? Bakit mo sinisira yang unan na hawak mo?" sabi ni Julia.
"Ah. Eh, wala lang. Nakakagigil eh"
"Alam mo Daniel, galing pa yan sa States. Malambot diba?" sabi ni Kath.
"Ha-Ah-Eh. Oo, ang ganda nga eh.."
"Oh tara swimming tayo!" sabi ni Katsumi. Tumayo silang lahat maliban saming dalawa ni Julia.
"Mauna na kayo. Dito muna kami" sabi ni Julia. Umalis na silang lahat. SALAMAT! WALA NANG KALANDIAN POLLUTION!
Kinuha ko yung ice tea ko at ininom yun. Hay. Ang sarap uminom ng ice tea lalo na't summer. Whoo!
"Aminin mo nga sakin Daniel, mahal mo pa si Kathryn noh?" sabi ni Julia.
"Gago ako kung sasabihin kong hindi" mahal na mahal ko pa rin si Kath. Kahit na sila na ni Katsumi. Wala akong pakialam. Di pa sila kasal. Psh.
"Eh gago ka na kaya, di mo siya nagawang ipaglaban" -.- bakit ba gustong gusto ng mga tong ipaglaban ko si Kath?
"May mangyayari ba Juls pag pinaglaban ko siya? Wala naman diba?"
"Paano mo malalaman kung di mo nga sinubukan? Yan kasi tayo Daniel eh. Di pa nga natin sinusubukan, sumusuko na tayo"
"Juls, masaya na kasi siya. Tignan mo oh. Ang saya niya kasama si Katsumi" sa totoo lang, naiinggit ako eh. Ang swerte ni Kats at girlfriend niya si Kath..Ang malas ko na ginago ko siya.. </3
"Sabagay..Pero, pinagsisisihan mo ba talaga ang lahat ng nangyari dati Daniel?"
"Sobra Juls. Kung pwede ngang ibalik ang lahat sa dati, gagawin ko. Mabalik lang sakin si Kath."