Konting kembot nalang! Ending na :D
Comment lang guys!
Sa mga nagsumamo na wag kong patayin si Daniel. Let’s just wait and see. Nakadepende yan sa comments ^^
Kalma lang. Wag magassume ^o^
Sana magustuhan niyo to. PS: PURE KADRAMAHAN PO to. Bow.
----------------------------------
Kath's POV
6 months na ang nakaraan simula nang malaman namin ang karamdaman ni Daniel.
Alam na rin ng barkada. Di na kailangang itago dahil unti unti rin namang lalabas ang mga symptomas.
Nagulat nga kami at di lang pala simple na cancer ang tumama kay Daniel.
Testicular Cancer. Pumayag siya na magpadiagnosed. Blood tests, ultrasound, biopsy. Kailangan raw to para mamonitor pa nila kung kumakalat pa rin ang mga cancer cells.
He's also undergoing chemotherapy.
Lagi ko siyang sinasamahan tuwing magpapachemo siya.
Minsan nga ayoko nang sumama kasi nasasaktan akong makita siyang nasasaktan. Pero kailangan eh. Di siya pumapayag pag di ako kasama.
Iba na rin ang itsura ni Daniel ngayon.. Mejo lumalagas na rin yung buhok niya. Pero gwapo pa rin siya.
Minsan nga naiiyak ako. Bakit siya pa ang nadapuan ng ganitong sakit? Ang dami namang masasamang tao sa mundo. Bakit siya pa?
Andito kami ngayon sa kwarto niya. Sa bahay namin to be exact. May sarili na kaming bahay. Bigay ng mama ni Daniel. Hiniling kasi ni Daniel na makasama ako sa isang bahay. Nasa tamang gulang na rin naman kami kaya ok lang.
6 months na kami. Masaya kahit papano. Ayaw kasi ni Daniel na maging malungkot ang mga panahong magkasama kami. Gusto niya, pag nama---. Gusto niya masaya kami.
"DJ. Kailangan mo nang inumin tong gamot mo.." inayos ko ang posisyon niya at pinaupo muna siya. Kailangan na kasi niya uminom ng gamot. Madami dami rin. Halos every hour ata umiinom siya ng gamot.
"Kailangan pa ba yan? Gastos lang yan eh." gustong gusto ko siyang batukan. Pero kailangang pigilan.
"Iinom ka o iinom ka?"
"May choice pa ba ako? Akin na yan." inalayan ko naman siya na uminom. Pagkatapos dahan dahan ko na siyang hiniga sa kama niya.
"Kath.." nilingunan ko siya. Paalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko kaya napaupo ako ulit sa may upuan sa side ng kama niya.
"Ano yun? May masakit ba?"
"Madaming masakit. Isa na yung nalalapit kong pagiwan sayo.." hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Ayoko pag ganito siya.
"DJ, please. Nangako tayo sa isa't isa diba? Lalaban tayo. Lalaban ka. Wag kang mawalan ng pagasa.." hinawakan niya ang mukha ko tsaka pinilit niyang bumangon para lang mahalikan ang noo ko..