Kath's POV
Hay na'ko. First Day pa naman ngayon. Masyado namang boring. Gusto tuloy gumala kaysa umattend. --" zzzz
Siya nga pala, ako si Kathryn Chandria Bernardo, Kath for short. 2nd year college taking BS Engineering. Wala po talaga akong hilig sa math. SERYOSO. Siguro ginayuma lang ako ng mga magulang ko at napapayag nila na engineering ang kunin ko. They are both engineers kasi -.-" 17 y/o na ako. Maganda? Kayo na ang humusga. Wala akong kapatid, so it means SOLO ko lahat. Spoiled brat? You can say that. Pero hindi rin as in spoiled noh! :) Siga rin minsan pero pusong babae to! May boyfriend rin ako, si Enrique. Magto-two years na rin kami. Kaso di kami parehas ng school. Saklap diba?
Oh siya, tama na sa biography ko. :D
Habang naglalakad ako, bigla ko nalang nakasalubong ang bestfriend kong si Julia. Teka mukhang masaya ata tong gagang to ah?
"Hoy julia! Ba't parang gusto mo atang magpa-party? nanalo ka ba sa lotto?Ba't ang saya mo ata" sabi ko.
"Eh kasi naman eh! Kinikilig ako :">" Hala?
"Sus! Bakit? May nagawa na bang tama si Diego?" Bigla naman nagbago yung expression niya.
Si Julia Montes, bestfriend ko siya since elementary pa lang. Pero mejo nagkalayo yung loob namin noong high school. Magkaibang section kasi kami. NBSB. Akala ko nga man-hater eh. Pero nagkamali ata ako. Akalain mo naka-dalawang boyfriend pa ang bruha? Ang current boyfriend niya is si Diego Loyzaga. Same course sila, BSAC, second year na rin sila. Bestfriend ko rin yang si Diego since 3rd year high school. Actually, tatlo kame. Ako, si Diego at si Albie. But guess what? Itong dalawang bestfriend ko lang naman ang naging boyfriend ni Julia. Si Diego nga lang ang current boyfriend niya. 1 year na rin sila. Kaso itong si Diego, alergic ata sa sugar eh. Ewan ko ba kung bakit ni katiting na SWEETNESS,wala si Diego.
"ASA naman ako. Ni konting paglalambing na nga lang WALA siyang maipakita! Paano naman ako kikiligin dun" malungkot na sabi ni julia. Kawawa naman tong bestfriend ko. Pero..
PAK*
Binatukan ko. Andrama eh ^^
"Eh bakit ka kinikilig jan?Nako naman sis! Baka nanlalalake ka! Lagot ka sakin! Masyado kang MAHAROT!"
"Abah kung makpagsalita! Hoy! Same lang tayong maharot! tss. Eh kasi sis, yung si Daniel kasi eh. Pinapakilig ako! kung pwede lang siya nalang ang maging boyfriend ko, i'll even trade Diego for him! :">" kinikilig na sabi ni julia
PAK*
Binatukan ko ulit. I-trade ba naman ang boyfriend para sa isang malanding lalake lang?
"Eh lokareta ka rin pala sis eh! 1 year na kayo ni Diego tapos nilandi ka lang nang Daniel na yan, todo kilig ka na!" tama naman ako eh.