Kath's POV
Kinabukasan sabay sabay kami nagbreakfast. Inihain ko sakanila ang Fruit Salad na ginawa ko kahapon. Grabe lang yung mga reaksyon ng mga ulol na to.
"Grabe! Ang sarap! Sinong gumawa?" JC
"Ang sarap naman nito Kath!" Seth
"OMG KAAAAATH! ANCHAARAAAP! *o* " Katsumi.
"Di ka pa rin pumapalya sis!" Julia.
"Ikaw na talaga Boy!" Albie. Tawagan namin. Ba tawag ko sakanya, siya naman Boy tawag sakin. Baboy lang noh? -.- ok,share ko lang.
"Kath ang sarap naman nito!" Lester.
"Guys alis muna ako. Bye" Daniel. -.-
Teka nga, anong problema nun? Kagabi pa siya ha,
Halos di nga ako makatulog nang dahil sa pinagsasabi nina Lester at Daniel kagabi.
Parang nagpapaalam lang eh. Ano ba talaga ang problema?
"HUY KATH!" di ko namalayan na may gaga na pala na sumisigaw sa tenga ko. Eh sino pa nga ba?
"Ano ba?"
"Kanina ka pa tulala jan! Sarap na sarap kami sa Fruit Salad mo dito, tapos ikaw, tulala lang?"
"Wala to sis. Oh kain pa kayo! Madami pa yan." nginitian ko nalang siya.
Kumain lang kami ng kumain dun. Pagkatapos ay naglibot kami sa resort. Di lang kasi pool ang meron dito. Meron ring tabing dagat. Kaya dun kami nagswimming. Mas ok raw kasi dun eh.
Sabay kami ni Julia ngayon habang naglalakad patungo sa dagat para maligo. Wag na kayong magtaka kung ano ang suot namin. Di naman kami masyadong ladlad eh. Wholesome kami mga dre. ^^