Check the external link ---->
:D Thaaanks! :*
-----------------------------------------------------------------------------------
Kath's POV
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may sorpresa ako para sa tropa. Habang andito pa si Anikka ay nagplano ako na mag-outing/overnight kami sa rest house namin sa Boracay :)I placed their plane tickets beside their plates at our dining table :) I already told Julia and even Diego about it. Ok naman kay Julia, kaso si Diego, busy raw sa pag-aaral. Si Albie naman, may exam raw. So kami nalang ulit. Kahit si Daniel eh sinama ko na. DAPAT DI AKO BITTER! ^_______________^
Ako na rin ang nagprepare ng pagkain namin. Tinulungan na rin ako ni Mama. Milagro nga eh andito siya ngayon.
Habang hinihintay sila na magising, nanuod muna ako ng spongebob ^________________^
Habang nanunuod ay tinabihan ako ni mama.
"Nak" sabi niya.
"Po?" sabi ko.
"Aalis kami ng papa mo" sabi niya. Nilingunan ko siya. She's serious.
"Eh? Lagi naman diba mama?:) What else is new?Basta ingat lang po kayo" sabi ko sabay ngiti at itinuon ulit ang atensyon sa TV.
"We're gonna leave nak. Papuntang states. Di lang kami ng papa mo, pati na rin yung parents ni Katsumi. They've decided to be part of our business 3 years ago. You see, we build a business there a long time ago. Tito mo lang ang nagaasekaso nun. Kaya kami laging wala ng papa mo kasi madami rin kaming inaasekaso." sabi pa niya. Wow ha. Bigtime na parents ko at pati na rin kay Katsumi! :)) So proud :))