Chapter 54 : We meet again

2.7K 36 7
                                    

 Dedicated to my offline/silent readers ^^

 

May double POV at the same time dito :) Sana di kayo maguluhan.

Bold for Kath's POV. Italic for DJ's :)

---------------------

Kath's POV

Kasama ko ngayon sina Miles at Katsumi.

Andito na kami sa labas ng bar nila JC. Infairness. Ang ganda ah. Di siya typical na bar. Sobrang sosyal.

Kung di ko lang kilala ang may ari nito, iisipin kong babae ang owner eh. :)))

"Pasok na tayo Kath! I can’t wait!" hay. Miles talaga.

Sa States kasi, madalas kami sa mga bars. Kaya nga mejo naging party girls kaming dalawa ni Miles. Pampatanggal stress noh!

Si Katsumi? Ayun. Dakilang KJ! Lagi siyang nagagalit pag pumupunta kami. Daig pa ang tatay eh.

Minsan nga napapaaway yan wala sa oras. Over protective po siya. OA rin. Eh kilalang kilala kami sa bar na yun eh. Walang nagtangka na lapitan kami. Close kami sa may ari eh ^^

Dahil rin sa pagiging strict ni Katsumi, lagi na kaming tumatakas ni Miles jan. Pag uwi namin? Ayun. Wagas maka-pout ang lolo niyo. Hahaha! Seryoso. Pout talaga. Nagtatampo. Kesyo daw ayaw na namin sakanya, pinoprotekta lang naman daw kame, parang di raw kaibigan eh. Hahaha! Isipin niyo pa lang na si Kats ang nagsasabi niyan, ewan ko nalang XD Laughtrip eh.

So ngayon, sumama talaga siya. Kasi naman, marami raw bastos sa mga bar dito sa pinas. Racist! :)))

"Chill ka lang Miles! Hintayin natin sina JC, palabas na raw sila."

"Ano ba naman kayong dalawa! Kakarating lang natin dito sa pinas kanina, bar na agad ang pinuntahan!" ayan nanaman po.

"Ano ka ba Kats, buti nga pinasama ka na namin eh!" sabi ni Miles. Tumango naman ako. Tatakas nanaman kasi sana kami jan. Eh kaso, naabutan kami. No choice kundi ipasama. Kawawa naman eh ^^

"Ah ganun? Tara uwi!"

"Echos! Hahaha! Wag ka ngang manakot jan! Sapakan nalang!" ipinakita ko sakanya ang kamao ko. Bwahaha!

"Sorry naman! Wag ka nang magalit boss!" ^^

"Good boy!" pinat ko pa siya sa ulo. Haha!

“Aso lang ha Kath?” ^^v

"Oh mukhang nagsasaya na kayo dito ah?"

"Sa wakas! Andito na kayo JC!" atat talaga tong si Miles eh.

"Tara na sa loob?" sabi ni Seth.

"Teka mga tol, wala bang tarantado jan sa loob? Baka mamaya saktan sina Kath eh" sabi ni Katsumi.

Fate's Choice (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon