Kath's POV
Natapos na rin ang first week of classes. Same routine everyday. First week pa lang, STRESS na agad.
Linggo nga pala ngayon. Habang nagbabasa ng wattpad, naisipan kong magtext kay Enrique. Tuwing linggo kasi lagi kaming nagsisimba at minsan, sabay na rin kaming magdi-dinner right after mass.
To: My Babe <3
Good Morning Babe :"> GISING na! I love you so much :* see you later.
*sent*
Haay.. Ang tagal namang magreply oh.siguro natutulog pa rin yun. Tamad kasi talaga yung lalakeng yun eh.
Tinuloy ko nalang ang pagbabasa ng wattpad.
After 1 hour, nakatanggap ako ng text message.
*beep* *beep*
Fr: My Babe <3
Snl. Good Morning din babe :"> Kain ka na ah? I love you more! See you :*
------
To: My Babe <3
Yes babe :) Ikaw rin babe. Wag magpalipas ng gutom. Muaa! :*
*sent*
------
*beep* *beep*
Fr: My Babe <3
Opo. Muaa!
Haaay. Ang sweet talaga ni enrique :"> kaya nga mahal na mahal ko to eh. Kahit imperfect siya, mahal na mahal ko siya. Sana SIYA na talaga <3
Nagpatuloy akong magbasa ng wattpad hanggang sa di ko namalayan na 4:30 na pala ng hapon. LAGOT ako nito kay Quen.
Nagmadali akong magbihis at nagpaalam na rin kay mama sabay labas ng bahay at nagmadaling sumakay ng jeep papuntang simbahan. Dun kasi kami magkikita eh.
Pagdating ko sa simbahan, agad akong pumasok at nilibot ang aking paningin sa loob. Ang dami kasing tao eh. Di ko mahanap si Quen.
*hanap*
*hanap*
*hanap*
BOOM!
Sa wakas! Nahagilap ko na siya.
Agad-agad akong lumapit sakanya sabay hawak sa kamay niya.
"Hi babe. Sorry ngayon lang :">"gamitin ang charms Kath :D
"Ok lang yun babe.Teka lang ha" may kinukuha siya sa bag niya.
"Ikaw talaga babe, alagaan mo nga sarili mo! Tignan mo! Masyado kang pawis! Halika nga" sabay punas sakin ng panyo niya. Yun pala yung kinuha niya sa bag niya. Hay na'ko :"> kinikilig ako! Ang swerte ko talaga sa lalakeng to.