Kath's POV
Paggising ko, nasa kama na ako. Wait? Paano ako napunta dito?
Tinignan ko ang kama ni Daniel, pero wala rin siya doon. San kaya siya?
Babangon na sana ako nang may biglang nagsalita.
"Jan ka lang!" sabi ni Daniel. Teka? May nagawa ba ako?
"Ha? Anong ginawa ko?"
"Bakit di ka kumain kagabi? Nakita ko tong pagkain mo sa lamesa. Ininit ko nalang para makain mo ngayong umaga." umupo siya sa tabi ng kama ko. -.- Yun lang pala eh. Kala ko ano na.
"Eh kasi naman po, ikaw po ang may sakit kagabi."
"Oh eh tapos? Di ka na kakain?"
"Eh bakit ba nagagalit ka ha!?" napapout tuloy ako ^^
"Eh kasi naman PO, boyfriend niyo po ako diba? Andito pa po tayo sa hotel ngayon at matatagalan tayo kasi po malakas pa rin po ang ulan" Feel ko, namula ako bigla sa sinabi niya. AISH! ano ba Kath! PRETEND lang diba? Di totoo.
"Kinikilig ka noh?" bwiset na nilalang to >< Nanukso pa eh.
"Neknek mo!"
"Oh slow it down bee" Eh?
"HA?Bee?"
"Pangit naman kasi diba na pangalan lang. Kaya bee tawag ko sayo and ikaw, call me bey. PERO ngayon lang to. Pag alis natin dito, Kath na ulit ang tawag ko sayo.Oh kain ka muna" aba't may pa-endearment pang nalalaman..
"Aba't!?! Teka lang, Bakit bey?"
"Slow ka ba kath?"
"Isa."
"Eh sabi ko nga diba? Bey mo ako, bee kita. Pag ipagsama, BeyBee. Maganda diba?" -.-
"Ikaw, matrip ka talaga kahit kailan!"
"Naman! Oh eto, kumain ka na." sinusubuan niya ako ngayon. Ang sweet naman ng bey ko XD
Hay. Ano ka ba Daniel!? Bakit ganito? BAKIT? Diba pretend lang to? Bakit parang totoo na?
Bakit pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nagkakaganyan siya. Ano ba? Oo, aware ako sa feelings niya. Pero bakit ganito? Iba ang impact sakin. Iba talaga. Parang naiisip ko na sana..