Chapter 11 : Mahal Kita

4.1K 49 3
                                    

Kath's pov

Andito ako ngayon sa sasakyan ni Lester. Sabi niya kasi magpapasama raw siya sa mall. So ayun.

"Les, ano ba talaga ang gagawin mo sa mall?" kanina ko pa siya tinatanong.

"..... :D " and as usual, wala siyang maisagot kundi SMILE. -.-

"Hoy Lester, ayun yung mall oh!" andun yun mall eh! >< Bakit nilampasan lang namin yung mall? Kala ko ba sa mall? ><

"Nagbago isip ko. Samahan mo nalang ako sa flower shop" aba't sa wakas! Nagsalita ka rin. Pero teka? Bakit sa flowershop?

"Anong gagawin natin dun?" 

"Malamang,bibili ng bulaklak" ayy tanga. Oo nga naman. -.- Pero kailangang mamilosopo?

"Ako ba seseryosohin mo, o bababa ako dito?"

"Ikaw di ka na mabiro. Bibili tayo ng bulaklak. Kung para san? Basta." Marunong naman pala sumagot ng maayos eh. Kinailangan pang takutin. Tss.

"Osige"

Nang makarating kami sa flowershop, tinanong ako agad ni Lester.

"Anong favorite flower mo kath?" eh?

"Ha? Ah eh rose. White roses. Bakit?" antrip nito?

"Ah. Osige. Thank you." ayun. Naguusap na sila nung babae dun. Bahala sila. Ako maglilibot. Ang gaganda kasi ng mga bulaklak eh ^^

Hay. Ganitong klaseng mga bulaklak yung pinapangarap ko eh. Dati kasi nung kami pa ni Enrique, ALWAYS kong hinihiling na sana bigyan niya ako ng bouquet. Kaso wala naman. Puro date lang kame. Sweet in a different way. Wala naman akong reklamo dun. Kaso lang, babae rin ako. Gusto ko rin makatanggap ng mga bulaklak galing sa taong mahal ako at mahal ko. Haaay. Well its all in the past na.

Naglilibot pa rin ako nang magtext si Julia sakin. Aba't tinukso pa ako ng gaga! --" na'ko naman. Alam na siguro niya na ang Lester na kasama ko ngayon ay ang Lester na tinutukoy ko sakanya --" tss.

"Kath! Tara na. Uwi na tayo. Hatid na kita"so yun lang pala yun? -.-

"Osige" lumabas na kami sa shop at tumungo na sa sasakyan niya.

Fate's Choice (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon