Seth’s POV
Ang tagal kong inasam na magkaPOV ulit! TT^TT
Ok. Cut off the drama.
Andito pa rin kami sa bar. 3 am na nga eh.
"Isa pa nga!" hay nako.
"JC, kailan ba titigil yang kapatid mo?" nagbubulungan lang kami ni JC habang tinitignan si Daniel na kanina pa wantusawang umiinom.
"Parang di mo alam ang nangyari kanina. Siyempre naman, nasasaktan yan noh. Dumoble pa ata eh"
"Tss. Yan naman kasi eh. Ang tigas ng ulo. Nakita na nga niya yung dalawa dati sa States, di pa sumuko"
"Ganun na talaga Seth. Karma niya yun eh. Di kasi pinaglaban.."
Siguro di niyo maintindihan.
Well, ako ang magkukwento. Kasama niya kasi ako nun eh ^^
(Flashback)
3 years ago..
1 week after nung umalis sina Kath, tinawagan ako ni Daniel.
"Pre, gabi na oh! Nambubulabog ka pa!" Natutulog na yung tao eh -.-
"I need you. Magempake ka na. Aalis tayo bukas ng umaga" teka..
"HA?!"
"Sige na bye."
Ano daw? Aalis? Eh san naman kami pupunta? -.-
Bahala siya. Di ako magiimpake.
Ok na rin kami ni Daniel. Tropa pa rin talaga eh. Pero inis pa rin ako sakanya. Hanggang ngayon, di siya lumalapit sa iba para humingi ng tulong.
Pinangatawanan niya ata talaga yung sinabi namin na di namin siya tutulungan eh.
Kinabukasan.
"SETH! GISING NA! MAHUHULI NA TAYO SA FLIGHT NATIN!" -.O Ha? Bahala kayo.
"SETH NAMAN! DALIAN MO NA! BUBUHUSAN KITA NG TUBIG!"
"Ah ganun.."