PANIMULA

176 10 0
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Lunes, Enero 5, 1942

Unibersidad ng Santo Tomas

Sabi nga nila, babae at lalaki lang daw ang dapat na magmahalan. Dalawa lang daw ang sekswalidad sa mundo, at salot lang daw ang nakikipagsiping sa kapwa nila kasarian. Hindi ba't parang hindi naman patas ang kasabihan na 'yon? Kung tunay ngang babae at lalaki lang ang ginawa, bakit humihinga ang isang tulad ko?

"Mr. Evangelista, ano sa tingin mo ang tunay na depinasyon ng pagmamahal?" Napalunok ako nung bigla akong tinawag ng Guro ko para sumagot.

Hindi ko naman ganoon naranasan ang salitang pagmamahal dahil simula't sapul ay ang Tatay ko lang ang nagmahal sa isang tulad ko.

"Mam, baka ang ihayag nan.. mga lalaki, kasi lalaki rin ang gusto e, hahahahaha." Natawa ang lahat ng mga kaklase ko dahil sa sinabi na 'yon ni Rudy. Siya ang may pinakaayaw sa'kin dahil bukod sa hindi ako nagkakagusto sa babae, nakadamit pambabae ako.

"Ikaw ba ang tinatanong ko, Mr. De Leon?" Sagot ng titser ko, natahimik ang klase dahil sa sinabi niya na 'yon at muling tumingin sa'kin na tila ba hinihintay ang sagot ko.

Napalunok ako, "Ah.. sa tingin ko po, ang pagmamahal ay hindi nakabase sa kasarian ng isang tao. Damdamin ang namumutawi kapag nagmamahal ka, hindi ang panlabas lang na kagustuhan. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo na maiisip ang estado nila sa buhay, and kanilang itsura, at pang huli.. ang kasarian niyong dalawa. Dahil puso ang gumagana rito, hindi ang personal mong kagustuhan." sagot ko, hindi ko nga alam kung tama ba ito pero nailabas ko naman ang saloobin ko tungkol sa salitang paksa namin ngayon.

"Very well said, Mr. Evangelista." nginitian niya 'ko.

"Ma'am Ms. po dapat, sayang ang kolorete oh! hahahahahaha!" Natawang muli si Rudy, kota na talaga siyang asarin ako kaya hindi na 'ko naaapektuhan.

Hindi dapat magpaapekto sa mga may low intellectual quotient.

--------

"Sulat po para kay Mr. Evangelista.." natigil ko ang paglalakad nang bigla akong lapitan ng isang lalaki na may hawak-hawak na envelope. Sulat siguro 'yon at may palatandaan pa ng aming Munisipyo. Alam ko na agad na sa Tatay ko ito dahil siya lang naman ang nag-aabot ng sulat na merong selyong ganito e.

Mayor nga pala ang Itay sa Munisipalidad ng Pakil sa Laguna. Habang ako naman ay nandito sa Maynila upang kumuha ng kursong pang politika rin. Gusto kong sundan ang yapak ng Itay para mas lalo pa naming mapaunlad ang aming bayan.

Kinuha ko ang envelope, "salamat ho.." sabi ko, parang hindi pa ata makapaniwala yung lalaki sa'kin dahil sa boses ko. Hindi niya ata alam na lalaki ako hmp..

Disyembre 13, 1941

Anak, nais kong ipakiusap sa'yo na itigil mo muna ang pagpasok mo oras na matanggap mo ang sulat na ito. Binomba na ng bansang Hapon ang Pearl Harbor at alam kong kahit anong oras ay nakatakda na rin ang pagdating ng mga Hapones. Papunta sa Pilipinas ang laban galing Europa dahil galit ang mga Hapon sa mga Amerikano.

Anak, hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari mang may masamang gawin sa iyo. Umuwi ka na ngayon din.

Kaba ang nadama pagkatapos kong mabasa ang sulat ng Itay.

Dali-dali akong pumunta sa silid ko kung saan ako namamalagi, ikalima ng Enero ngayon kaya mas lalo akong kinabahan na baka sa oras na ito ay nandito na rin ang mga Hapon.

Nagulat ako nung bigla akong nakarinig ng putukan, sobrang daming putukan. Hindi ko maibalik sa huwisyo ang sarili dahil sa mga sigaw na namumutawi. Mga sigaw na tila ba bigla nalang tumatahimik pagkatapos ng mga putok na aking naririnig. Tinignan ko ang lagayan ko ng aking mga damit at natungo ko ito sa kamay kong biglang nanginig.

Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko.

Naabutan ako ng mga Hapon..

To be continued..

Hostilities were initiated by the attack on Pearl Harbor at 07:48 Hawaiian Time (UTC−10:30) on 7 December 1941. At the same time as the attack on Clark field, a smaller fighter base at Iba in Luzon was also bombed.

The Japanese occupied Manila on January 2, 1942 and the siege of Bataan and Corregidor began.

Written on June 14, 2024
1:06am

Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon