KABANATA 18: Chance

68 6 1
                                    

3rd person's POV

Pebrero 15, 1942 

"Matahom ni nani ka warui koto ga okottara, watashi wa kesshite anata o yurushimasen. (If something bad happens to Matahom, I will never forgive you.)" sabi ni Toshihiro na animo'y nagbabanta kay Yamato, kanya itong pinuntahan sa kampo nito para pormal na makausap, rinig sa boses nito ang galit at inis dahil sa pagkakahiwalay sa binabae.

"Anata wa amari shirimasen.. (You have no idea..)" tiningnan niya nang masama si Toshihiro. Alam na ni Yamato ang tunay na kasarian ni Matahom, dahil nung araw na sumigaw ito habang sila ay hinuhuli ika-lima ng enero noon, ay nagboses lalaki ito at kanyang narinig. Hindi niya lang magawang sabihin kay Toshihiro ang totoo dahil may pakielam pa rin naman siya rito.

Hindi alam ni Toshihiro ang kanyang gagawin, napaupo siya sa kama at halos pabagsak na ang luha, nangungulila agad kay Matahom.  

"Gun no shidō-sha to shite, anata wa ōku no hōritsu o yaburimashita. (As a military leader, you broke many laws..)" saad ni Yamato. "Watashi ga anata ni ataeta batsu wa karukatta, Toshihiro, anata wa Firipin hito o aisubekide wanai, anata wa shōgunda, Toshihiro! Me o samase! (The punishment I gave you was light, Toshihiro, you should not love the Filipinos, you are a general, Toshihiro! Wake up!)"

"Watashi wa ki ni shinai (I don't care..)" mabilis na sagot ni Toshihiro, tiningnan niya si Yamato na namumula ang mata dahil sa nararamdamang emosyon, "Anata ni wa rikai dekinai yo Yamato. (You don't understand, Yamato.)"

Bumuntong hininga si Yamato, iniisip pa rin niya na hindi dapat maging marahas kay Toshihiro kahit na malaki ang pagkakamaling nagawa nito. Agad pumasok sa kanyang isip na bigyan ito ng dalawang pagkakataon.

"Mōichido chansu o ageru yo.. (I will give you another chance..)" sabi nito habang nakatingin kay Toshihiro, mata sa mata ang kanilang pag-uusap, "Kono ato, hoka no chansu wa naida rō. (There will be no other chances after this..)" babala nito, "Dakara, moshi anata ga mada watashi-tachi ni dōhō to shite atsukatte hoshī nonara, watashi ni tsuite ki nasai. (So if you still want us to treat you as our countrymen, follow my command.)

Napalunok si Toshihiro, alam niyang kahit grabe pa ang kanyang pakiusap na huwag gawin ang mga bagay na ginagawa nila sa mga pilipino ay hindi sila makikinig. Pinapahalagahan nila ang kanilang trabaho higit pa sa karapatang pantao ng mga pilipino.

"Nani no komandodesu ka? (What command?)" tanong nito kay Yamato.

Ngumiti si Yamato gamit ang tabing parte ng bibig, "Raguna-shū no pakiru no machi ni shin'nyū suru (Invade the town of Pakil in Laguna Province)"

"Ano machi o shinryaku shita nochi no watashi no nedan wa ikuradesu ka? (What is my price after invading that town?)" tanong ni Toshihiro, umaasa sa isasagot ni Yamato.

Muli, napangiti si Yamato, ngiti nang animo'y demonyong alam niya sa kanyang sarili na hawak-hawak niya ang leeg ni Toshihiro dahil ito ay kanyang nakokontrol.

"Matahom no jiyū.. (Matahom's freedom)" mabilis nitong sambit, sa tono'y may kasiguraduhang susundin niya ang kanyang sinabi.

Nanlaki ang mata ni Toshihiro, nagtataka sa sinabi ni Yamato, bakit kailangang pakawalan?  tanong nito sa kanyang isip, "Kanojo wa doko ni ima su ka? (Where is she?)

"Akai ie (Red house)

Naikuyom ni Toshihiro ang kanyang kamao dahil sa nalaman, alam nito kung anong nangyayari sa mga babaeng dinadala sa bahay na 'yon kung kaya't malaki ang naging sama ng loob nito kay Yamato, huminga siya ng malalim at hinarap ng maigi si Yamato, madiin niyang hinawakan ang balikat ng heneral saka inilapit ng marahas sakanya.

"Watashi-tachi ga hanashiatta koto o kanarazu mamotte kudasai (Make sure you stick to what we talked about)" babala nito saka nilisan ang lugar kung saan naiwan naman si Yamato.

Walang magawa si Toshihiro dahil kahit ayaw man niyang manakit pa ulit ng mga pilipino ay kailangan niya itong gawin dahil mas iniisip niya ang kalagayan ni Matahom, hindi pwedeng maglagi ito sa pulang bahay dahil hindi niya rin kakayanin na gahasain lang siya ng ibang hapones doon.

Sa kampo niya ay siya'y bumalik.

"Junbi ga dekite! (Ready!)" sigaw nito sa kanyang mga sundalo.

Sa halos dalawang buwan na kasama niya si Matahom, ngayon nalang siya ulit sumigaw ng ganoon kalakas, dahil nung araw na nasa tabi niya ang binabae, ay siya ang nagpapakalma sakanya.

Habang nakatayo sa harap ng mga sundalo, napaluhod si Toshihiro at hindi na maiwasan pang lumuha, lumuha dahil sa kanyang minamahal, umiyak dahil sa pangungulila, at maging emosyonal dahil kailangan niyang gawin ang trabaho, trabahong manakit nanaman ng mga pilipino na sa una palang ay ayaw na ayaw ng kanyang minamahal. Naiipit sa sitwasyon, bakit kailangan maging ganito ang tadhana?  sabi nito sa kanyang isip, hindi ba pwedeng magmahal nalang?

Alam ni Toshihiro na kapag malaman man ni Matahom ang gagawin nito---ang pagsakop sa bayan ng Pakil, Laguna---ay tiyak na hindi na siya nito muling matatanggap.

 "If you want to be with me, you'll follow my command, than your country.."

 "If you want to be with me, you'll follow my command, than your country.."

 "If you want to be with me, you'll follow my command, than your country.."

Itutuloy..

Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon