Matahom's POV
9:30pm.. Enero 5, 1942
"Tsuma, let's sleep?"
Nasamid ako sa iniinom kong tubig dahil sa biglang pagsasalita ni Toshihiro. Napatingin ako sa kanya at nakaputing t-shirt na 'to at panjama, habang ako naman ay hindi pa rin nagpapalit, bukod kasi sa napahiwalay sa'kin ang maleta ko, hindi ko na rin alam kung nasaan na 'yon.
"I will wash first.." paalam ko sakanya, hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at pumasok na 'ko agad sa palikuran.
Pagtapos kong isara ang pinto, napabuntong hininga ako. Hindi ko naman talaga ugaling maglinis sa gabi, pero dahil may katabi ako ngayon sa pagtulog, syempre nahihiya ako sa magiging amoy ko. Baka kasi sabihin niya ang baho pala ng mga pilipino, eh di naipahiya ko pa ang lahi namin.
Habang naglilinis, kinakabahan ako. Wala akong ideya kung anong mangyayari maya-maya lang. Baka mamaya bigla niya 'kong yakapin tapos bigla niyang maramdaman ang tawag ng laman 'di ba? Eh di katapusan ko na agad?
Tatalab kaya kung ang idadahilan ko ay may dalaw ako ngayon?
Dati kasi, may kaibigan ang Itay na galing Japan tapos kwinento niya sakanya na normal na malilibog talaga ang mga Hapones, natatakot tuloy ako sa iniisip ko ngayon. Hindi kaya ganoon din si Toshihiro? Kasi 'di ba, lahi ng isa lahi ng lahat? Kung ano ang puno, siya ang bunga! Kaya hindi imposibleng inosente ang sundalong iyon!
Napa-antanda ako dahil na naiisip, diyos ko tulungan niyo ho ako, wag niyo hong hayaan na tigasan ang makakalapit ko ngayon. Malamig pa naman, yari na talaga ako!
Napatingin ako sa salamin at naalala kung ano nga ba talaga ako. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa ibabang parte ng katawan ko. Lalaki nga pala ako, napahawak tuloy ako sa bibig dahil sa naisip.
Hindi naman siguro ako titigasan sa Hapones na 'yon 'no?
Ikrinus ko ang braso at napakagat labi, "nakakainis naman.. gusto ko lang naman makalabas ng Maynila tapos may ipapalapit kayong gwapong lalaki sa'kin? grasya niyo ho ba ito? or parusa dahil ganitong tao ako ngayon?" bulong ko, napasimangot nalang ako tapos inilagay ang sepilyo sa lalagyan. Bago ito at isinadya talaga ako ni Toshihiro, ayaw niya siguro sa mabaho ang hininga.
Nagulat ako nung may kumatok.
"Tsuma, here's your new clothes.." rinig kong sabi ni Toshihiro sa kabilang bahagi ng pinto.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakahubad ako tapos wala pa 'kong dibdib! Nakalagay ito sa tabi kasi nakakapagod din kayang magsuot ng ganito.
"O-ok, Otto.. thank you!" sigaw ko upang marinig niya. Ramdam ko naman ang yapak niya papalayo senyales na wala na siya sa harapan ng pinto.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa pintuan upang ito'y buksan, jusmeyo! Sana naman ay walang makakita sa totoo kong anyo!
Pagbukas ko ay agad kong kinuha ang damit at hindi sinasadyang masara ito ng pasalpok. Napapikit ako ng mariin dahil sa aksyon na aking nagawa, bwisit! Mag-ingat ka sa'yong kilos, Matahom! 'wag kang pabobo-bobo!
"A-are you ok?" nanlaki ang mata dahil sa biglang pagtatanong ni Toshihiro.
"Yes! I'm fine, don't worry.." sabi ko.
Hayst! Gusto ko nalang magpakuha sa liwanag.
Pagtapos ko sa lahat ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nakalugay ang aking buhok, mahabang bestidang kulay rosas na hindi labas balikat ang suot ko, at walang kolorete sa mukha.
Sana hindi niya pa rin mahalata na lalaki ako.
Nakaupo ngayon si Toshihiro sa higaan, unti-unti niyang ipinunta ang tingin sa'kin at animo'y nakakita siya ng isang diwata dahil sa paraan ng kanyang pagtitig. Habang ako ay hindi maiwasang purihin muli ang kanyang mukha, mukha na animo'y anghel na ibinaba sa langit—UPANG PUMATAY NG KABABAYAN!
BINABASA MO ANG
Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942
Narrativa StoricaBinabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apat...