Matahom
"Kōfuku! (Surrender!)" Sabi ng mga sundalong hapones sa'ming mga nahuli.
Oo, nahuli ako at hindi man lang ako nakalabas noong nagsimula akong mag-impake. Pinasok nila ako at kinaladkad kasama ang mga naririto ngayon na umiiyak na dahil sa takot. Sino ba namang hindi matatakot e mas matangkad pa ata sa'min ang mga hawak nilang baril.
"Maawa po kayo sa'min! May binubuhay pa po akong pamily—"
bang*!
Nagsigawan ang lahat dahil sa pagbaril sa nagsalita. Maging ako ay napasigaw dahil mismo sa harap ko pa nila binaril ang walang magawang lalaki, nakahandusay na ito at dumudugo ang parteng binaril sakanya. Ang daming dugo, nakakatakot!
Tila napipi ako dahil doon, walang balak na magsalita pa gawa nang takot na magaya sa lalaki na patay na ngayon. Walang awa ang mga hapon! Wala kaming ginagawang kasalanan sakanila pero ano ang ginawa nila? Pumatay sila ng kababayan!
"Firipin hito o keimusho ni irero! (Put Filipinos in jail!)" Dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, nagulat nalang ang lahat nung bigla kaming nilagyan ng sako sa ulo sabay pinagtutulak. Hindi ko alam kung maiiyak ba ko o matatakot dahil sa mga nararanasan ngayon.
Itay, pasensya na kung hindi muna kita makikita at hindi muna ako makakauwi.
Randam kong isinakay nila kami sa isang sasakyan at mabilis na iniandar sa lugar na hindi ko naman alam kung saan dahil sa takip sa aking ulo.
Hindi ko na rin alam ang gagawin, puro sigawan ang aking naririnig, sigaw ng mga kababayan na natatakot.. at sigaw ng mga hapon na nagagalit. Napapikit nalang ako at tahimik na umiyak.
----
Nakagapos ngayon ang mga kamay ko, pati ang bibig ay nilagyan ng harang upang hindi makapag-ingay. Dalawa kami sa silid-kulungan at malamang.. walang nagsasalita sa'min dahil parehas sarado ang bibig.
"Filipinos are good in english." sa wakas ay nakarinig na rin ako ng wika na naiintindihan ko, sinubukan kong lumapit sa usapan na narinig. "We must communicate with them on that language, it's their second mother tongue." nakunot ko ang noo dahil sa hindi gaanong kagandahan ang pagbikas nila sa letrang 'L'. Imbes kasi na 'la' ang tunog ay naging 'ra' ito.
Siguro walang letrang 'L' sa wika ng mga Hapon.
Maya-maya ay nakarinig ako nang yapak. Palakas ito nang palakas senyales na sa amin papunta ang mga bawat hakbang. Napapikit ako dahil nangangalay na rin ang mga labi ko, hindi ko na rin matiis ang luha na nagbabadyang tumulo. Ang bilis-bilis nang tibok ng puso ko.
Tama nga ang hinala ko, pumunta sa selda namin ang isang Hapon. Napatingin ako sakanya ngunit hindi ko maaninag masyado ang mukhang taglay niya dahil sa dilim. Rinig na rinig ko ang hikbi ng kasama ko ngayon kaya tinignan ko siya at sinenyasan gamit ang mga mata, na huwag umiyak. Baka kasi mamaya ay bigla nalang din siyang barilin, hindi ko makakayang magkaroon nang may kasamang bangkay sa isang silid.
"You.." napatingin ako agad sa Hapon, "stand up.." malumanay niyang sabi. Hindi siya katulad kanina ng ibang Hapon na pasigaw kung manalita. Itong Hapones na 'to ay iba, mahinhin ngunit barako.
Dahil hindi ako makapagsalita dahil sa mayroong nakadikit sa labi ko, sinunod ko siya, tumayo nga ako. Napalunok ako nung buksan niya ang bakal na pinto. Pumasok siya habang nasa likuran niya ang dalawang kamay na tila ba inoobserbahan ako.
Kumunot ang noo niya nung makita ang mukha ko, agad niyang inalis ang harang sa bibig ko at pumunta sa likuran upang tanggalin ang tali sa aking mga kamay.
BINABASA MO ANG
Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942
Tiểu thuyết Lịch sửBinabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apat...