KABANATA 22: Lampara

40 3 1
                                    

Matahom's POV

Marso 12, 1942

Nagtipon ang mga babae na nandidito ngayon sa pulang bahay, higit sa sampu ang aming bilang kung kaya't malaki ang aking kasiguraduhan na matatalo namin ang mga hapones na papasok dito mamayang gabi.

"Ano ang kailangan nating gawin, Matahom?" tanong nung isang babae sa akin, habang ako ay nasa unahan nilang lahat at nasa tabi ko si Dalia.

"Unang-una na kakailanganin natin ay ating disiplina," seryosong sabi ko, "huwag tayong magpapatalo sa ating mga emosyon, higit na ating pagtuunan ng pansin ang ating pinaka-kailangang gawin.. at iyon ay ang pagtakas sa impyernong ito." dagdag ko, nakatingin ang lahat sa'kin, tumango ang ilan, at yung iba naman ay sang-ayon.

"Saan kaya tayo tutuloy pagkatapos nating makatakas sa bahay na 'to? paniguradong mahuhuli't-mahuhuli tayo ng mga hapones.." tanong nung isa.

"Alam kong malayo ang lugar na 'to sa bayan kung nasaan ang karamihan sa mga hapones.." sabi ko, "sa pagtingin palang sa labas ng bintana, aakalain niyo nang nasa kawalan tayo at walang katao-tao dahil palayan lang ang tanging natatanaw.." pagbibigay ko ng impormasyon sakanila.

"Natatakot ako, Matahom.." sabi nung isang babae, "hindi ko ata kayang.. tumakas.."

Napalunok ako, "Ano ang iyong ikinatatakot? nandito ako.. dadaanan muna ng mga hapones ang aking bangkay bago kayong lahat.."

"Handa akong maging pangalawa sakanilang dadaanan.." sabi ni Dalia, tinignan ko siya at nginitian niya ako, tumango ako sakanya at saka muling tinignan ang mga babae.

"Gusto kong malaman niyo na takot at pagkaduwag ang sisira ng inyong buhay, mas maigi nang mamatay ng lumaban, kaysa magpaalipin sa kamay ng mga demonyong hapones." sabi ko, mukha namang sumang-ayon sa'kin ang lahat maging iyong babae na kanina lamang ay natatakot.

Bumuntong hininga ako, "Handa na ako, Matahom.." aniya sa akin.

"Ako rin!" sabi nung isa..

Ngumiti ako, labis akong natutuwa sa kanilang katapangan, "Handa ba ang lahat?!" sigaw ko.

"OO!! HANDANG-HANDA!!" sigaw nilang lahat.

"Mabuhay ang mga babae!!"

"At binabae.."  lumingon ang lahat kay Dalia, nilapitan niya 'ko saka niya itinaas ang kamay ko, "Mabuhay ang mga babae at binabae!!" sigaw niya.

"MABUHAY!!" sabay-sabay na sigaw ng lahat.

"Mabuhay si Matahom!!" sigaw muli ni Dalia, nahiya naman ako ng kaunti.

"MABUHAY!!"

Halos maging emosyonal nanaman ako dahil sa mga pangyayari, ngunit hindi lungkot at sakit ang dahilan nito, kung hindi ang kasiyahan. Natutuwa ako't nagkakaisa kami ngayon, natutuwa ako sa wakas ay mayroong tumanggap sa'kin.. tanggap nila ako kung sino ako, kung ano ang kasarian ko, at kung ano ang suot ko. Hindi ko malilimutan ang araw na 'to kahit ano man ang mangyari sa'min pagkatapos ng gagawin naming pag-atake.

"Lahat kayo.. dalhin at ilagay ang mga kutsilyo sa ilalim ng inyong higaan.. upang sa gabi at oras na kayo'y hinahalay ng mga hapones.. makukuha niyo ito nang dahan-dahan at sila'y masisindak dahil hindi nila ito aasahan." utos ko sa mga babae, tumango sila isa-isa at kumilos agad.

Buti nalang at maraming kutsilyong nakatago sa kusina nung ako ay nag-iisip ng aming maaaring gawin, hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ganon karami ang mga 'yon. Ngunit may naisip naman akong teorya sa aking nakita.

Napansin ko sa aking pagtingin sa mga bintana na mayroong umbok sa mga lupa. Naisip kong marami nang bangkay ng mga dating babaeng nauna sa bahay na 'to ang inilaglag ng mga hapones doon matapos nilang kitilin ang buhay ng mga 'to. Kaya rin siguro maraming kutsilyo ang nakalagay ay mismong mga hapones ang gumagamit nito upang patayin ng sabay-sabay ang mga babae sa loob ng bahay. May dugo ang iilan sa mga kutsilyo nung nakita ko ang mga ito kaya't tama siguro ang aking teorya.

Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon