KABANATA 11: KaIbigan?

43 6 0
                                    

Matahom's POV

Bakit kaya kapag tanggap ako nang isang tao, agad naman silang nawawala sa mundong ito? Bakit sa t'wing pinaparanas ng isang tao sa'kin na walang mali sa kung ano man ako ngayon, agad naman silang binabawi ng panahon?

Hindi ba talaga karapat-dapat tanggapin ang isang katulad ko? Bakit? Bakit lagi mong kinukuha ang mga tao na kaya akong lunukin?

Kahit na ni-minsa'y hindi nakasama ang lalaki, labis pa rin ang aking hangos dahil sa kanyang pagkamatay, nasa maayos na siyang kabaong at handa na itong tabunan ng lupa. Siya ang pangalawang kababayan ko na tumanggap sa pagkatao ko, siya yung unang kababayan na nagsabing mag-ingat ako, siya ang unang kababayan na nagpasalamat sa'kin.

Hindi tumigil ang luha ko, punas ako nang punas ngunit hindi sila nauubos. Alam kong masakit din para sa kanyang pamilya ang pagkawala niya nang hindi nila nalalaman, masakit malaman na wala na pala ang 'yong matagal nang hinihintay..

"Tsuma, stop crying.. please?" agad akong niyakap ni Toshihiro, kakauwi lang namin ngunit ang paghangos ko ay hindi pa rin natigil.

"You don't understand the pain, Otto.." sabi ko sakanya, hindi mo maiintindihan dahil hindi mo naman alam ang totoong ako, hindi ko alam na matatanggap mo pa rin ako, hindi ko alam kung magbabago ba ang pakikitungo mo sa'kin oras na malaman mo.. HINDI KO ALAM..

———

Enero 27, 1942

Halik sa noo ang gumising sa natutulog na ako nitong umaga. Ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa pag-iyak pa rin mula kahapon noong namatay ang isa kong kababayan. Nagmulat ako at nakita ko si Toshihiro na nakauniporme na agad.

Nakaayos ang buhok nito sa tabi, mapungay ang mga mata habang nakatingin sa'kin at medyo nakangiting labi, ang gwapo niya kahit umaga palang. "Good morning, Tsuma.." bati niya sa'kin.

Bumangon naman ako at umayos siya, "good morning, Otto.." bati ko pabalik.

"Wash first, then eat breakfast with me.." aniya sa'kin, tumango nalang ako bilang tugon dahil simula nung magtigil ako rito ay ganito naman talaga ang araw-araw naming gawain. Ang paghilamusin muna ako, pag-sepilyo-hin bago pakainin.

Ilang segundo muna akong napatitig sa salamin at pansin kong hindi na 'ko mukhang babae tignan, malabo na rin naman ang aking kolorete at halatang-halata na mukha na 'kong binabae.

Pero bakit? Bakit hindi mahalata ni Toshihiro ang pagpapanggap mo? Kahit alam ko sa sarili kong dapat sa ganitong itsura ko ay alam niya na dapat..

Ganoon ba siya ka-estupido? O mababa lang talaga ang tipo niya sa isang babae? Hindi naman ako maganda ngayon pero nagawa niya pa 'kong halikan sa noo.

Nasapo ko ang noo dahil sa mga pinag-iisip. Hindi naman siguro siya ganon ka-tanga para hindi niya mahalata dahil isa ang bansang Hapon sa may pinakamaraming matatalinong tao. Ngunit, kasama ba sa bilang na 'yon ang mga katulad ni Toshihiro na hindi man lang masuri ang totoo kong katauhan?

Hindi ko na sinagot ang tanong sa isip nung kumulo na ang tiyan ko, nagugutom na 'ko dahil hindi maayos ang kain ko kagabi dahil sa pagluluksa. Kahit anong pilit ni Toshihiro sa'kin ay inaayawan ko ito dahil hindi ko talaga kayang lumunok ni-isang butil ng kanin. Hindi ko talaga matanggap ang pagkawala niya, hindi ko matanggap na kung kailan ligtas na siya, tsaka pa niya naisipang bumitaw.

Masyado bang mabagal ang pagkilos ko na umabot sa puntong hirap na hirap na siya nung nakita ko at napatigil ang pagpapahirap sakanya?

Paglabas ko ay nakita kong muli si Toshihiro sa kama na nakaupo, tulala at hindi man lang napansin ang paglabas ko. Bumalik siya sa huwisyo nung pumwesto ako mismo sa kanyang unahan, tinignan niya ko sabay tumayo siya. Ngayon ay nakatulala ako sakanya, inilagay niya ang nalaglag kong buhok sa tainga ko upang makita niyang maigi ang aking pagmumukha.

Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon