Trigger Warning: Blood, Torture, Strong language
Matahom's POV
Enero 26, 1942
"What is it?" bumilis ang tibok sa puso ko nung sinabi ang tanong na iyon, halatang kabado siya at kitang-kita 'yon sa kanyang gwapong mukha. Animo'y kinakabahan sa'king sasabihin.
Susundin niya kaya ako?
Mas lamang kaya ang sinasabi niyang pagmamahal sa'kin kaysa sa kanyang sariling bansa?
Makikinig kaya siya sa isang Pilipinong tulad ko na kalaban niya?
Bumuntong hininga ako, "I want your soldiers, to be friendly with my fellow filipinos, you must avoid torturing them, raping them, and killing them, Otto. If your country truly wants us to be your allied, you must prove them by your friendly actions." sabi ko sakanya, napalunok siya dahil doon, parang hindi papayag. Pero hindi pwedeng hindi dahil ako mismo ang magboboluntaryo upang kanilang pahirapan.
Nagkatitigan kaming dalawa, hindi pa rin siya sumasagot, kahit ako ay kinakabahan sa magiging desisyon niya.
"Let's go.." nakunot ko ang noo dahil sa kanyang sinabi, anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean by that?" tanong ko.
Tumayo siya at inayos ang kanyang uniporme, "eat your breakfast first, and I will follow your command, Tsuma.." sabi niya, tinignan niya 'kong muli, "I also want to prove you myself that I can do anything for you, just to be mine.."
Parang may kung anong lumipad na paru-paro sa aking tiyan sanhi nang kanyang sinabi, hindi ako makapaniwala na susundin niya talaga ang nais ko, hindi ako makapaniwalang kaya niyang baguhin ang pakikitungo ng kanyang hukbo sa'king kapwa pilipino dahil lang sa utos ko. Pakiramdam ko tuloy ay walang makakapantay sa aking kagandahan kahit na hindi naman ako tunay na babae.
Tulad nang kanyang sinabi, tinapos ko agad-agad ang kanyang utos, para ngang hindi ko na naisipang nguyain ang bawat subo ko dahil sa sobrang saya, gusto kong masaksihan ang kanyang pagsunod sa utos ko, gusto kong makita na magbabago ang pakikitungo nila sa mga kababayan ko.
"Otto," pagkuha ko sa atensyon niya.
"Hmm?" sagot niya naman.
"Let's go.." sabi ko..
"No,"' aniya, nagulat ako dahil doon, "you can't go outside wearing that shorts, Tsuma, I'll be right back, wash yourself first.." siya naman ang nagbigay ng utos.
Nakahinga naman ako nang maluwag, akala ko kasi ay biglang nagbago ang kanyang isip.
Saka ko naalalang nakapantulog nga pala 'ko, stupido ka masyado, Matahom! Ang gwapo-gwapo ng kasama mo tapos ikaw lalabas ka nang nakapantulog? Hindi ka talaga nag-iisip.
Tumango ako kasabay ng kanyang pag-alis, nagtungo naman ako agad sa banyo upang maligo.
Pagkatapos ng ilang minuto, agad namang may kumatok sa pintuan, alam ko namang si Toshihiro nanaman iyon, at siguro'y nakakuha na ng isusuot kong damit.
"Just put the clothes there, Otto.. I will grab them later.." sambit ko.
"Ok, Tsuma.." sagot niya naman sabay rinig ng kanyang yapak na papalayo.."
Labinglimang minuto ang lumipas ay lumabas ako.
Nagulat ako sa dinalang damit ni Toshihiro para sa'kin, isa itong filipiniana at mahabang pambaba, ordinaryong kulay ang pantaas, habang kulay putik naman ang pambaba ko, nalaglag ko pa ang sobrang gandang abaniko na kasa-kasama pala ng damit. Agad din akong naglagay ng kolorete para mas lalo akong maging presentable sa harap nila.
BINABASA MO ANG
Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942
Historical FictionBinabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apat...