Matahom's POV
Pebrero 5, 1942
Hindi naman maipagkakailang magkarelasyon na ako ituring ni Toshihiro sa publiko, nariyan na ang kanyang gawain na hahalikan ako sa labi basta-basta habang kami ay nakasakay sa kanilang hukbong panlupa, nariyan na ang matamis na turing niya sa'kin t'wing kausap niya 'ko at huli, ngayon ko lang nalaman na ang salitang tsuma pala ay salitang nihonggo na ang ibig sabihin ay 'asawang babae'. Hindi ko lubos na maipasok sa aking maliit na utak ang bagay na iyon, sa tagal na panahong tawag-tawag niya 'ko sa salitang 'yon ay asawa na pala ang ibig sabihin para sakanya.
Napabuntong hininga naman ako.
Ipit na ipit na 'ko sa sitwasyon na ito. Gusto ko nang malaman niya ang totoo kong kaanyuan ngunit natatakot naman ako sa magiging kalalabasan.
Nagpapanggap lang ako ngunit ang aking nararamdaman ay nagiging totoo na..
Sa isang buwan na nakasama ko si Toshihiro, puro magagandang ugali ang naipakita niya sa akin, hindi niya na ako sinigawan pa dahil natatakot na siya sa maaari kong maramdaman. Hindi niya na rin naisipang magpahirap ng aking kababayan dahil alam niyang pag nangyari 'yon ay mag-aaway at mag-aaway kami.
"I love you, tsuma.." sambit agad ni Toshihiro nung siya ay dumating, kanyang hinubad ang uniporme saka tumingin sa'kin habang puting damit lamang ang suot-suot. Kahit na may saplot at bakat na bakat naman ang hubog ng kanyang katawan, napalunok naman akong umiwas nang tingin doon dahil nand'yan lamang ang tukso sa tabi-tabi.
"I love you more, Otto." sambit ko, hindi nagdalawang-isip na tumayo upang salubungin siya ng yakap, naging paborito na niya ang bagay na ito at tila nasanay na rin akong gawin ang bagay na 'to. Batid kong oras man na kanyang malaman ang tunay na ako o kaya'y tuluyan na akong makatakas dito ay mangungulila ako sa kanyang amoy at yakap.
Nakakalungkot lamang isipin na hindi ko permanenteng madadama ang bagay na ito. Hindi ko ipagkakaila na kahit mahal ko na siya ay makakayanan kong hindi umuwi sa bayan namin. Mas pipiliin ko pa rin ang aking Itay kahit kasiyahan ko pa ang kapalit dahil sobrang laki ng kanyang sinakripisyo upang mahubog ang pagkatao ko ngayon na minamahal ng isang Heneral ng hukbong hapones.
"Let's eat?" bumitaw siya sa aming yakap at tinignan ako, ngumiti siya sa'kin na hindi labas ang ngipin, "you look so pretty my tsuma.."
Hindi ko namang maiwasan na sumabog ng palihim dahil sa kanyang sinambit, "And your handsome, my otto.." natawa ako, at nahawa naman siya.
"I want us to build a family soon, I want to have a happy family with you.. only.." saka niya ako niyakap muli.
Ako naman ay hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot, ano ba naman 'to, labis na pagpapahirap ang aking pasan-pasan ngayon. Kung sana'y totoo lamang ako na babae, baka posible pa naming matupad ang kanyang nais.
Kaso hindi naman mangyayari e, dahil unang-una kahit magsama man kami sa iisang bubong, imposibleng magkaroon kami ng anak. Sa pagtanggap niya na nga lang sa'kin bilang totoong ako malayo ng matupad, sa pagkakaroon pa kaya ng masayang pamilya??
Habang nakain, iyon at iyon lang din ang nasa aking isipan. Hindi na ako masyadong nakapakinig sa mga kwinento ni Toshihiro dahil sa lungkot na aking nararamdaman ngayon. Parang dahil sa kahilingan niyang magkaroon ng masamang pamilya kasama ako, may malaking bato na humarang sa pagdaan ko tungo sa pangarap na 'yon e. Parang naipamukha sa'kin ng batong 'yon na hindi ako pwedeng lumampas kailanman sa harang na iyon.
-----
"Tsuma?" tawag ni Toshihiro sa'kin.
Kami ngayon ay nakahiga na sa aming kama habang magkayakap, nasa dibdib niya ang akig kaliwang braso habang unan-unan ko naman ang kanyang kaliwa rin. Masyadong malamig at masarap magtigil sa ganitong posisyon ngunit ang pagtawag sa'kin ngayon ni Toshihiro ay siyang nagpainit sa nilalamig kong katawang lupa. Ang boses niya ay sobrang sarap sa tainga at pipilitin ko itong tandaan hanggang sa aking kamatayan.
"What is it?" tanong ko sakanya, tinignan ko siya ngunit leeg lamang ang aking nakita, tila tuloy nasa tabi ko nanaman ang tukso, tuksong nagsasabing halikan ko ang parte na 'yon ni Toshihiro. Naiwas ko tuloy ang aking tingin, at sabay napalunok, hindi ko pwedeng gawin ang bagay na 'yon dahil paniguradong walang kadena ang makakapigil sakanya para ako'y kanyang isiping! Malamig pa naman ang temperatura kaya mas lalo akong natakot mula sa isipin na 'yon.
"When the war is done and gone, will you marry me to the church you like so that you can be mine on your favorite place?" bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niya na iyon, naramdaman kong tinignan niya 'ko ngunit hindi ko na naisipang suklian pa iyon. Unti-unti nanamang nababasag ang aking puso sa t'wing nandirito ang aming paksa. Hindi ko kayang hindi magsinungaling sakanya t'wing ganito ang kanyang katanungan.
Ngumiti ako kahit hindi naman dapat, "Of course, Otto.. you can marry me so that we can have our happy family, like you've said.." maaari ko bang itama ang sinabi ko??
You can marry a real woman so that you both can have your happy family..
Hindi pwedeng ako ang makakatuluyan mo, Toshihiro, dahil bilang binabae, isa lang akong kahihiyan sa iyong lahi na makikisig at matipuno, isang kahihiyan lang ako sa pamilya mong naghahangad panigurado ng kanilang unang apo galing sa'yo, isang balakid lang ako sa masayang pamilya na iyong hinihiling na magkaroon ka.
Bumagsak ang aking luha sa hindi ko malamang dahilan, agad kong pinunasan 'yon at dahil sa estupidong kilos na 'yon ay nakuryoso si Toshihiro na naging dahilan ng kanyang pag aalala.
"H-Hey? why are you crying?" dahil sa nag-aalalang tanong niya ay hindi ko na maitahan ang sarili, tuloy-tuloy nang bumagsak ang luha bunga ng sakit na nararamdaman ko.
Tumikhim ako, "I-I.." hindi mapigilang suminghot, "I'm just happy.. because even though there is a war between our country, you still good at me and to my countrymen, you prioritized my command than to your position as a Captain. I really appreciated you for doing that to the point I want to marry you also.." pero paumanhin dahil hindi ko 'yon matutupad dahil isa lamang akong ganap na binabae. Bawal sa simbahan ang magkasal ng magkapwa lalaki kahit isang libo pang simbahan ang gawin kong paborito.. patawad, Toshihiro.
Wala naman akong magagawa kung hindi ang magsinungaling nalang. Ngunit bawat sambit ko ng pangungusap sakanya ay hindi ko maiwasang mabiyak ng paulit-ulit, hindi ko mapigilang masira at madurog.
Kung pupuwede ko lamang sabihin sa diyos na gawin akong babae, akin na iyong hiniling at ginawa upang makasama mo habang buhay, Toshihiro. Akin na ring kinakain ang sinabing hindi ako kailanman mahuhulog sa isang tulad mo dahil wala kang ibang pinaramdam sa'kin kung hindi ang iyon mahalin.
"It's because.. I love you, I want my feelings to be real and genuine.. because that's how love works, right?" kanyang tanong, "I will marry you, we will marry no matter what happens."
Tumango nalang ako kahit na alam ko sa sariling hindi iyon mangyayari, niyakap niya ako ng mahigpit at saka naramdaman kong nakatulog na siya. Habang ako, nandito pa rin sa totoong mundo, hindi magawang ngumiti o makaramdam ng saya sa kabila ng mga sinabi na 'yon ni Toshihiro.
Paano ako magiging masaya? paano? kung sa pangarap niya ay hindi ako makakausad.
Magugustuhan mo pa kayang maikasal sa'kin at makasama ako habang buhay kung malaman mo ang totoong ako?
Itutuloy..
![](https://img.wattpad.com/cover/357162795-288-k812813.jpg)
BINABASA MO ANG
Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942
Ficción históricaBinabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apat...