Matahom's POV
Gabi na, kaya naman muli akong niyaya ni Toshihiro na kumain. Tulad nung kanina naming paglalakad, naka-angkla ang aking kamay sa kanyang braso, hindi naman ako makaangal dahil ayoko pa nga mamaalam sa mundong ibabaw ng ganito kabata.
Siya ang nag-usod ng uupuan ko kaya nagpasalamat pa 'ko sakanya, hindi ko namalayan na adobo pala ang ulam! Nung una ay hindi pa 'ko makapaniwala pero nung nalaman ko na propesyonal na chef galing Japan ang nagluto, hindi na 'ko nagtaka na makakagawa sila ng ganito.
"It's a filipino food, I requested it so hope you'll like it.." tinignan ko si Toshihiro at nakatingin ito sa'kin, ilang beses ko bang pupurihin ang kanyang kagwapuhan? Siguro pang sampu ko na 'to.
Mahal mo ang bayan mo, Matahom. Kaya 'wag kang magmamahal nang hindi mo kalahi! Maging tapat ka naman sa bansang iyong sinilangan!
"Thank you, Captain." sabi ko, pero parang hindi niya nagustuhan ang pangungusap ko at kita 'yon sa pagbabago ng kanyang itsura.
"You're not my soldier, Matahom, call me Otto.." aniya, nakunot ko ang noo sa isip-isip.
Ano yung oto?
Gagu 'to ah.. uto-uto ba 'ko o siya? Hala! Inuuto niya lang ako—huhh? Bakit oto? Oto ba o uto? Doble ba ang letrang 't'? O isa lang?
Mababaliw ako kakaisip kung anong ibig sabihin nun!
Wala naman akong magagawa e, "ok, Otto.." sabi ko, literal na ginaya ko pa yung paraan ng pagkakasabi niya.
Nakita ko namang napangiti siya sabay subo gamit nga yung dalawang kahoy, ang weird naman ng mga tao na 'to.
"Eat now, my Tsuma.."
Imbes na sundin siya, napaisip nanaman tuloy ako kung ano yung salitang sinabi niya, 'di kaya ginagago lang ako nitong hapones na 'to? Paano kung ang meaning pala nung tsuma ay alipin?
Pero hindi naman siguro, hindi niya naman ako papakainin nang ganito kasarap kung alipin ang turing niya sa'kin.
Eh ano kaya kung 'honor' ang ibig sabihin? Katunog kasi ng summa cum laude e..
Tsuma cum laude?
Binura ko ang ideya, panglalait naman sa wika nila ang ginagawa ko e, kahit na kalaban sila ngayon, hindi ko naman lalait-laitin ang kultura nila, pwera nalang kung laitin man nila yung sa'tin!
Sumubo ako at namangha nung kuhang-kuha ng hapones na taga-luto ang lasa ng adobo. Paano niya nagawa 'yon? Siguro may libro siya about sa mga prosidyural pano lutuin ang pagkain kaya nakuha agad-agad ang lasa.
"Do you like it?" tanong ni Toshihiro, animo'y kinakabahan sa isasagot ko. Kapag kaya kunwari'y sinagot ko siya ng hindi, babarilin niya kaya ako?
Tumango nalang ako bilang sagot, iniwas ko ang tingin sakanya at sumubo nalang ulit ako ng panibago.
Eh siya kaya? Nagustuhan niya ba ang adobo ng Pilipinas?
Mukhang oo naman dahil tumatango-tango pa siya nung mga unang subo, naging proud tuloy ako kahit papaano sa'ting adobo dahil nagustuhan ito ng isang Hapones.
Pagkatapos naming kumain, dinala niya 'ko sa labas ng kanilang kampo. Sa nakikita ko ngayon ay napapalunok ako, ngayong nakita ko na ang labas, nagdalawang-isip tuloy ako sa plano kong umeskapo. Paano ba naman, kahit gabi nagmamartsa pa rin ang mga sundalong hapon habang hawak-hawak ang kanilang mahahabang baril na mayroong matulis na bagay sa dulo nito.
Siguro kung mangyari mang makakita sila ng umeeskapo, lasog-lasog ang magiging katawan nito dahil sa dami ng balang papasok sa katauhan niya.
Hindi lang sundalo ang mayroon sa labas, mayroon din silang mga kanyon at ang daming bala na nasa tabi nito. Benteng malalaking kanyon ata ang mayroon sila kung kaya't napapadasal nalang ako sa binabalak ko.
Isa ang bansang Japan sa pinakamalalakas na bansa, dahil sa kanilang magandang teknolohiya, madali nalang nila na natatalo ang ibang bansang kulang sa lakas at mahina sa mga armas, tulad ng bansang ito.. na Amerika nalang ang tanging pag-asa upang makalaban. Pero sana, sa pagkakataong ito ay hindi muna natin iasa sa mga kano ang laban, lumaban tayo nang sa atin. Dahil naniniwala ako na kahit kulang-kulang man ang bansang ito sa armas, maidadaan naman namin ito sa lakas at talas ng mga hakbang para masugpo ang kalaban.
"AHHHHHHHH!" nagulat ako nung makarinig ng isang sigaw, sigaw na galing sa tao na animo'y pinapahirapan.
Napatingin ako kay Toshihiro dahil doon, umiwas ito ng tingin sa'kin kaya medyo kumirot ang puso ko.
Kahit ang bait-bait niyang tao pagdating sa'kin, kahit pinakain niya 'ko ng masarap na pagkain kanina, at kahit hihiga ako sa magandang kama mamaya ay hindi ko pa rin maaalis sa isip na isa siyang kalaban. At itong naririnig ko ang dahilan.. kaya niyang pahirapan ang mga kababayan ko.
"Otto?" tawag ko sakanya, agad niya naman akong tinignan. "Do you really need to kill my fellow filipinos?" kinakabahan kong tanong sakanya.
"No.." aniya, "we just wanted to be friends with you, filipinos. We want you to not be with Americans, they are evils, they are stealers of lands, and they are bad, Tsuma.."
Masama? Bakit naging masama ang mga Amerikano para sakanila? Nasakop din ba sila nito dati? Pinahirapan din ba sila nito?
"We are all asians, you don't need to be with western countries.. asians ally asians." aniya, naiintindihan ko pa rin siya kahit na may problema sa kanyang pagbigkas at paggawa ng pangungusap.
At ngayon, parang may punto rin naman ang kanyang mga sinasabi.
Bakit nga naman tayo umaasa sa mga taga-ibang kontinente, kung mayroon naman tayong mga kauri natin?
Bakit nga ba naman tayo aasa sa bansang minsan din naman tayong sinakop?
Pero nalalabuan pa rin ako e, kung talagang gusto ng mga hapones na 'to makipagkaibigan sa'ming mga pilipino, bakit nila idinadaan sa dahas?
"Then why are y'all tormenting them?" tanong ko, nawawala ang takot dahil sa gustong malaman.
Napabuntong hininga si Toshihiro, "They're against with us, Tsuma. The plan of Japan to filipinos will be vanished, if they will against us.." pagpapaliwanag niya, kahit na medyo mukhang nahihirapan na siya sa pag-iingles ay ginagawa niya pa rin para lang maintindihan ko.
At dahil don, nagkaroon ng sense yung sinabi niya kanina na makikipagkaibigan lang talaga ang mga hapones sa mga pilipino, na ayaw lang nilang masira ang kanilang plano kung kaya't nagagawa nila ang pumatay sa mga taong sangkot sa hindi pag sang-ayon sa gusto nila.
Naalala ko tuloy yung kasama ko kanina sa selda, pinakawalan nga nila 'yon e. Pero, papakawalan pa rin kaya nila 'yon kung sinabi kong hindi ko 'yon kaibigan?
"AHHHHHHHH!! TANGINA NIYO MGA HAPON!!" muli akong nagulat at napatingin sa pinanggalingan ng sigaw na galing sa kababayan ko. Halatang hirap na hirap na ang boses niya, may naririnig din akong parang kuryenteng pinagdidikit kaya baka kinukuryente ang isang iyon.
"Let's go inside?" inalis ko ang tingin sa lugar kung nasasaan ang ingay at tinignan si Toshihiro, "its time to sleep.." aniya.
Tumango nalang ang naisagot at inakbayan niya 'ko pabalik sa loob. Dahil sa lapit namin ay naamoy ko ulit ang mabango niyang amoy, pero mas nagustuhan ko ang amoy pawis niya kanina dahil mukhang lalaking-lalaki siya sa amoy na 'yon.
Anong pinagsasasabi mo, Matahom?!
Kakarinig mo lang ng sigaw ng kababayan na pinapahirapan don tapos ganyan ka mag-isip ngayon?
Nasaan na ang pagiging makabayan mo?!
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942
Historical FictionBinabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apat...