KABANATA 26: Alaala

30 2 0
                                    

Matahom's POV

Abril 10, 1942

Nagising na lang ako sa isang haplos ng kung ano mang malamig na bagay sa aking noo. Medyo malabo pa ang aking paningin ngunit isa lang ang tangi kong nakikita.

Lalaking nakatingin sa’kin, sobrang nag-aalala ang mukha at hindi mapakali.

Nakunot ko ang noo kahit na parang halos lahat ng parte sa katawan ko ay nakirot, "S-Sino ka??" tanong ko sa lalaki.

Huwag mong sabihin na nasa isang lugar nananaman ako..

"Matahom??" tawag nito sa’kin, "Matahom! g-gising ka na! salamat sa Diyos.." saka niya ako niyakap, napasubsob tuloy ang mukha ko sa dibdib niya.

Agad naman akong bumitaw sakanya, "T-Teka.. sino ka?? h-hindi kita kilala.." 

Tila nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi ata siya makapaniwala sa aking mga sinasambit, anong.. bakit.. bakit ganon ang kanyang ekspresyon?

Eh totoo naman ang aking mga sinasambit..

Hindi ko siya kilala..

"A-Ako ito.. si Vincent.." aniya, sa boses niyang ’yon ay nahahalata ang pagkanginig. Nakatingin pa rin siya sa’kin na mayroong pag-aalala sa mukha.

Nakunot ko ang noo ko, "S-Sige, Vincent.." tangi kong nasagot, "n-nasaan ako??" Tanong ko, iginala ang tingin sa loob, nasa kwarto ata ako ng bahay na ’to. Nasaang bahay naman ako?

"Wala ka bang maalala? h-hindi mo ba ’ko naaalala??" sabi niya habang medyo naluluha ang mata, agad ko itong pinunasan agad bago pa tumulo, napalunok naman yung lalaki kasi nakita ko ang kanyang leeg na pumubaba’t-taas.

"Hindi ko alam.. hindi ko alam ang nangyayari.."

-----
Vincent's POV

Hindi niya ’ko maalala??

Nagpaulit-ulit ang linyang iyon sa utak ko. Bakit? Bakit hindi niya maalala ang tungkol sa’kin? Anong nangyari sakanya? May kinalaman ba rito ang mga pasa’t bugbog niya sa katawan maging sa ulo?

Hindi pa rin siya makatayo dahil sa sobrang dami niyang pasa sa hita, paghinga lang ata ang kaya niyang gawin sa ngayon, sana maging ang pag-iisip ng mga alaala namin ay kanya ring gawin upang tumigil din ang kirot sa puso ko.

"Maaari mo bang itutok sa’kin ang salamin?" aniya sa kasuwal na tono, parang hindi nagkaroon ng pagtingin sa’kin. At dahil do’n ay nakumpirma ko ngang nawala ang kanyang alaala.

Dahil ang Matahom na kilala ko ay hindi kailanman makakapanitig sa’kin ng matagal, hindi ganyan ang tono ng pananalita, hindi bibitaw sa yakap ko, at hindi kumukupas ang ngiti sa labi t’wing kaharap ako.

Tulad nang kanyang sinabi ay sinunod ko siya, kahit na mabigat itong salamin ay binuhat ko pa rin upang kanyang makita ang nais niyang makita. Kumunot ang noo niya pagkatutok na pagkatutok ko sakanya ng salamin..

"B-Bakit.. Bakit mahaba ang buhok ko?" aniya, hinawakan ang buhok gamit ang puno ng pasa niyang braso, "hindi dapat ganito mamuhok ang mga lalaking kagaya ko, Vincent.."

Parang may humampas na dos por dos sa aking puso dahil sakanyang sinabi. Makakaya ko pa kung alaala ko lang ang nawala sakanya e..

Pero.. Pero yung kasarian niya?

’yung kasarian niyang minahal ko na.. bakit? bakit kinalimutan niya rin?

"P-Pagupitan niyo ’ko, mukha akong babae dahil sa buhok na ’to.." aniya, halatang medyo nandidiri sa buhok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon