Salome's POV
"Isa ka ba talagang babae??"
Kita ko na para bang kinabahan si Matahom sa tanong ko na 'yon sakanya, tinitigan ko siya at hinintay ang kanyang isasagot, pero maikli talaga ang aking pasensya.
"Bakit hindi ka makasagot?" tanong kong muli.
Tila ata nag-iisip pa siya, nag-iisip pa ba siya ng kasinungalingang sagot? Akala niya ba na kapag nagdahilan siya ay maniniwala pa ako?
Yumuko siya noong napansin ko na may namumuong luha sa kanyang mga mata, hindi ko itatanggi na parang hinimas nito ang aking puso, para bang ang inosente niya, parang hindi niya rin naman gustong magsinungaling.
"Pakiusap, huwag niyo akong pandirihan.. g-gusto ko lang kayong tulungan kasi.. k-kasi kababayan ko kayo.." tinignan niya 'ko, umiiyak na siya ngunit hindi naman humihikbi, tuloy-tuloy lang tumutulo ang kanyang luha.
"Hindi ka tunay na babae?" Tanong ko sakanyang muli, yumuko siya at dahan-dahang tumango.
Hindi ito maaari, paanong.. paanong hindi nalaman ng mga gagong hapones ang patungkol sa kanyang kasarian? Libog lang ba talaga ang mayroon sa isipan nila?
Nagulat ako nung biglang pumunta si Dalia sa direksyon namin at agad niyakap si Matahom, hindi ko alam na nakikinig pala si Dalia sa'ming usapan at nagtatago sa tabi ng pintuan.
"D-Dalia.." nasambit ni Matahom.
"Tanggap kita, tanggap ko ang tulad mo, pasensya sa pinakita kong ugali sa'yo noong nakaraan.." mabilis nitong sabi na para bang may naaalala.
Napatingin ako kay Matahom dahil sa paghagulgol nito, "S-Salamat, Dalia.. salamat.. maraming salamat.." saka hinigpitan ang yakap sa babae.
Napalunok naman ako, parang napasama ata ang aking pagtatanong sakanya, ang sama ko bang tao dahil hindi ko tanggap ang isang tulad niya?
"Salome," tinignan ko si Dalia dahil sa kanyang pagtawag, "sabihin natin sa lahat ng nandirito ang tunay niyang kasarian.."
"P-Pero—"
"Kami ni Salome ang bahala sa'yo rito.." putol ni Dalia sa linya ni Matahom.
Ano't pati ako ay nadamay?
A-Ayoko sakanya!
Sayang lang ang ipinakita kong bait sakanya noong una naming pagkikita..
Napabuntong hininga tuloy ako sa mga naiisip.
"Hindi ba, Salome??" Bumalik ako sa huwisyo dahil kay Dalia, nakakagalit talaga ang pag-uugali niya minsan, ayoko nga sa mga tulad ni Matahom sa ipagpipilitan niya pang isa ako sa bahala kapag hindi siya matanggap ng mga kasamahan dito.
Wala naman akong magawa..
"O-Oo.." tipid kong sagot, salungat sa aking kagustuhan.
_____
"Narito kami sa inyong harapan upang pormal na sabihin sa inyo na hindi totoong babae si Matahom." matapos sabihin ni Dalia ang kanyang linya ay agad nagbulungan ang aming mga kasamahan at tila ata hindi rin nila iyon matanggap tulad ko.
"Ngunit bakit siya napunta sa bahay na ito? Hindi ba't dapat, wala iyan dito dahil hindi naman gagahasa ng mga katulad niya ang mga hapones?" Tanong ng isa naming kasamahan, tiningnan ko ang reaksyon ni Matahom at napatungo naman ito.
BINABASA MO ANG
Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942
Fiksi SejarahBinabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apat...