Matahom's POV
Enero 28, 1942
Nagsimula nang paandarin ng mga sundalong hapon ang kanilang hukbong panglupa. Sakay-sakay ako nito sa likuran at bale 5 sasakyan ito. Katabi ko ngayon si Toshihiro habang titig na titig sa kalsada.
Sumama ako sakanila dahil na rin sa'king kahilingan, at titignan ko talaga kung susundin nila ang aking utos.
Nagtigil kami sa isang malawak na palayan kung saan daan-daang sako ng bigas ang naka-ipon. Hindi ako makapaniwala dahil mayaman lang ang nakakapag-ipon ng ganitong karami na bigas. Tanging Mayor lang at matataas na pamilya ang kayang makapagpatong ng halos higit sa isang daang sako ng bigas.
Hindi ko naisip na posible ito sa mga Hapones. Bumaba si Toshihiro at pumunta sa tapat ng pintuan ko para buksan iyon, inilahad niya ang kamay at inabot ko naman ito agad, ngumiti siya sa'kin at nadala ako sa kagwapuhan niya kung kaya't nasuklian ko iyon ng ngiti.
Nagulat ako nung biglang sumulpot ang isang sundalong may hawak-hawak ng payong upang ako'y payungan, mainit at tanghaling tapat na rin kasi nung nakapunta kami rito, medyo mahaba-haba ang byinahe namin para lang makarating sa aming kinatatayuan.
Naagaw ang pansin ko kay Toshihiro dahil bigla niyang inilapit ang mukha sa aking tainga, "Tell the farmers, how much their rice.." bulong nito..
Tumango ako at nagtungo sa isang magsasaka, ang dami nila ngunit syempre, sa pinakaunahan ako lumapit. Mukhang siya rin naman ang dapat kausapin e, baka siya ang may-ari ng lupa.
"Magkano ang bigas?" tanong ko.
Bumuntong hininga ang magsasaka, "Dos pesos ang bigas.. maaari pa itong magmahal.. dahil sa mga kasama mo ngayon, kanilang naaapektuhan ang aming hanapbuhay dahil sa sunod-sunod na enkwentro. Pilipino ka?" sagot niya ngunit tanong rin sa dulo.
Napalunok ako, "Opo, pilipino.." sagot ko.
Kumunot ang kanyang noo, "bakit tila boses lalaki ka? I-Isa kang binabae?" tila nautal pa niyang tanong. Alam ko namang uusisain niya pa ang aking kasarian, hindi na 'ko magugulat na sa t'wing may ganitong usapan, huhukayin talaga nila ang katauhan ko.
"Parang ganoon na nga po.." magalang kong sagot.
Halata sa mukha niyang nagulat siya, kulang nalang ay maihawak niya ang kanyang kamay sa bibig dahil sa tila bang nakakita siya ng aswang. Nakunot ko ang noo sa isipan dahil sa kanyang ekspresyon. Hindi naman akma ang ganoong mukha sa tanong ko, para bang isa nanaman siya sa mga kababayan ko na hindi sang-ayon sa kasarian ko.
"Bibilhin niyo ba?" tanong niya sa'kin. Tumango ako, "Oho, bibilhin ho namin lahat ng mga bigas niyo.." sagot ko sakanya, tumingin siya sa mga kasamahan niya saka tumango. Dali-daling kumilos ang mga magsasaka upang buhatin ang daang-daang sako ng bigas.
"Limang daan.." aniya, "may reklamo ka ba sa presyo?"
Umiling ako, "Wala po, kayang-kaya po nilang bilhin kahit isang libo niyo pa ibigay.." sabi ko sakanya.
Ngumiti naman siya ngunit halata kong peke ito, parang nayabangan sa isinagot ko na sinadya ko namang ganoon ang tono. Hindi ko kasi nagustuhan ang kanyang ekspresyon nung nalaman niyang binabae ako, parang may mali nanaman sakanya e' bibilhin na nga namin ang kanilang paninda.
Agad binayaran ni Toshihiro ang magsasaka at nakipagkamay pa ito, kitang-kita sa magsasaka ang pagkapeke ng ngiti nito, tinignan ako ng magsasaka. "Pasalamat ka, hindi ako marunong mag-ingles, kung hindi, isisigaw ko sa mga kasama mo ang tunay na ikaw." sabay tinalikuran kami at nagpasya nang umalis.
BINABASA MO ANG
Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942
Historical FictionBinabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apat...