KABANATA 14: Nora

49 4 0
                                    

Matahom's POV

Hindi naman ata tama na gawin namin ang bagay na 'yon, lagot talaga ako sa Itay kapag mangyaring may nangyari sa'min nitong si Toshihiro. Napatigil ako sa ginagawa at napabangon, napatingin ako sa dibdib niya at pulang-pula ito dahil sa matapos ko itong sipsipin. Tila ata hinihingal pa siya kasi hindi siya nabangon e'.

"We should stop doing it, Otto.." sabi ko, hindi naman talaga namin ginawa ang bagay na 'yon simula una e, sadyang nadala lang talaga ako ng tukso, kaming dalawa! Hindi ko sinasadyang magbiro siya ng ganon kasi ginawa ko lang naman din ang hiling niya.

"Why??" sa wakas, bumangon din ang hapoones, nakahubad pa rin siya kaya lantad tuloy ang animo'y pandesal na nakadikit ngayon sa kanyang tiyan. Ano kaya ang tawag sa bagay na 'yon? nahihiya kasi ako dati na itanong kay Vincent, baka sabihin niya ay binobosohan ko siya, kuryoso lang naman ako sa tawag.

Napalunok ako, "nothing.. we're not married.." tapat kong sinabi kahit na alam ko namang hindi mangyayaring makasal kami. Hindi kailanman pwedeng ikasal ang lalaki sa lalaki kaya sobrang imposible naman ng aking sinabi. Pero sabagay, babae naman aang tingin nilang lahat sa'kin, ako lang naman ang may alam ng totoo koong katauhan dito e'..

Nagkatitigan kaming dalawa ni Toshihiro, hindi niya siguro naisip na sasabihin ko ang bagay na 'yon. Iwas na iwas naman ang aking paningin sa kanyang katawan dahil naiilang na rin ako rito kahit na kanina ay dinidila-dilaan ko 'to. Napapabuntong hininga nalang ako t'wing pumapasok sa isip ko na hindi na birhen ang aking dila e. Bwisit na hapones ko, unang beses ko 'to naranasan!

"I'm sorry.." aniya, sinsero ang tono. "I just love you so much to the point that I can't resist it. I want your tongue inside my lips and your hands on my chest." kinuha niya ang kamay ko at pwinesto itong muli sa kanyang makisig na dibdib, mulii ay bumilis ang tibok ng puso ko. Noong napamaramdaman ko ang puso ni Toshihiro ay ganoon din kabilis ang sakanya. "I want u to be mine.." Ang kanyang mga mata ay kumikislap na may halong lambing habang nakatingin sa'kin.

Kung alam mo lang Toshihiro, gustong-gusto ko rin..

Ngunit..

T'wing naiisip ko na ako ay ganitong tao lamang, agad akong pinipigilan ng isipin ko na 'yon. Hindi maaaring magmahal ka ng isang kagaya ko.

Nasaktan naman ako sa naisip. Kahit nararapat naman talaga ang pumapasok sa utak ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng libo-libong karayom na tumutusok sa puso ko. Bakit kaya ako naipit sa ganitong sitwasyon?

Tinignan ko siya at ngumiti, "It's ok Otto, we won't do it next time until we got married, ok?" ani ko, hindi naman siya nagsalita wala pa rin siyang pang-itaas kaya masyado akong naiilang.

Tumango siya, "Yes, Tsuma.." sabay ngniti, "I will marry you first before we do it.." saka niya ko hinalikan sa noo dahilan kung bakit kumirot nanaman ang puso ko.

Parang dahil sa pagkakaroon ko ng nararamdaman sa hapones na 'to, nabubulag na 'ko sa pagmamahal ko sa bayan, gusto kong umiyak dahil sa mga naiisip ko, at kabilang na rin doon ang kahilingan na sana totoong babae nalang ako.

Para kahit papaano ay mabawasan ang harang sa pagitan naming dalawa ni Toshihiro.

_____

Vincent's POV

Walang oras na hindi ko inisip si Matahom. Minu-minuto kong iniisip kung nasasaan na ang kaibigan ko na 'yon, kung kumakain na ba siya? kung malambot ba ang hinihigaan niyang kama? kung nakakahinga pa ba siya ng maayos?

Ngunit kahit ganoon ako kadesperadong makita siya, hindi naman ako pwedeng magmadali e. Hindi ko pwedeng basta-bastahin nalang ang pagpunta sa Maynila, nag uumpisa na rin ang laban sa isla ng corregidor. Palala na nang palala ang lakas ng hukbong hapon habang patagal nang patagal ang panahon.

Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon