KABANATA 8: Magulong Isipan

59 7 0
                                    


Matahom's POV

Enero 20, 1942

Sa mga araw na dumaan,
Bakit nararamdaman ko ay gumaan,
Ewan ko ba sa puso kong ito,
Hindi nadadala't natututo,

Umagang kagandaha'y walang tapon,
Kasama't katabi ang gwapong Hapon,
Araw-araw sabay nasasaksihan,
At naririnig ang mga ibong nagkakantahan,

"What are you doing?" nawala ang tingin ko sa papel na sinusulatan dahil sa tanong na 'yon ni Toshihiro, tinignan ko siya at hinubad niya ang cap, nilagay niya ito sa ibabaw ng kama.

"Poem.." sagot ko, "you'll not understand it.. it's in filipino language." paliwanag ko naman sakanya.

Lumakad siya patungo sa'kin sabay halik sa aking pisngi. Sa ilang araw naming magkasama, naging araw-araw niya nang gawain ang bagay na 'yon.

"Can you teach me, so I can understand it?" inilagay niya ang kamay sa sandalan ng upuan habang nakatayo at nakatingin pa rin sa'kin.

Ngumiti ako, "ok, basic filipino words first.." sabi ko sakanya, tumango naman siya.

Tumayo ako at pagtingin ko sakanya ay nakaupo na siya sa kama at nakalahad ang kamay, gusto niyang yakapin nanaman ako habang nasa likuran ko siya. Ang bango raw kasi ng leeg ko at masarap halikan, kaya iyon na ang naging paborito niyang yakap namin.

Pumayag naman ako, umupo ako at niyakap niya nga ang likod ko.. ipinatong niya ang kanyang baba sa kanang balikat ko, "So.. teach me now, Tsuma."

Ngumiti ako, "Ok.." sabay nag-isip ng phrase na pwedeng ituro sakanya.

Napangisi ako sa naisip.

"Say "ang gwapo ko".." natutuwa kong sambit.

"It's hard.." reklamo niya, "what is it again??" pagpapaulit niya sa pariralang sinabi ko.

"Ahhnnggghh" dahan-dahan kong pagbigkas sa salitang 'ang'

"Ang??" aniya, hindi sigurado sa nasabi.

Tumango ako, senyales na tama iyon, "guuu.." bigkas ko ulit.

"guu.."

"waaaaa.."

"wa.."

"pooo.." nagkatinginan kaming dalawa at ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"po??" sambit niya, tumango ulit ako.

"ko.."

Nagtaka ako kasi hindi niya na sinabi yung huling salita at nakatingin nalang siya sa labi ko, mga limang segundo iyon bago muling ibalik ang tingin sa mga mata ko.

Ang gwapo niya talaga..

Para na 'kong mahuhulog sa mata niyang kulay putik..

"I want to kiss you, Tsuma.. do you love me??" tanong niya, hindi ako nakasagot dahil don.

Bumilis ang tibok ng puso ko, sa araw na lumipas, ngayon niya lang naitanong sa'kin ang tanong na 'yan. Ngunit bakit hindi ako makasagot? Mahal ko na ba siya? O isa pa rin itong pagpapanggap para mabuhay?

Paano kung mahal ko na siya habang nagpapanggap naman ako dahil hindi niya matatanggap ang totoong ako?

Kung kasalanan ang magsinungaling, ako na siguro ang pinakamakasalanan. Nagsisinungaling lang naman ako sa taong walang ibang ginawa kung hindi ang gustuhin, alagaan, at mahalin ako. Ang sama-sama kong tao na dumating pa sa puntong halos mapatay ko siya dati..

Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon