Vincent's POV
Enero 6, 1942
Ihinanda ko ang uniporme ko, pati mga kinakailangang sandata kung sakali mang bigla akong makakita ng Hapones.
"Sigurado ka bang ilalagay mo ang isa mong paa sa hukay para lang iligtas ang binabae na 'yon? Ha? Ijo?" napatingin ako sa Itay, mukhang hindi siya payag sa magiging desisyon ko.
"Opo, kailangan ako ni Matahom, Tay.. hindi ko siya hahayaan na hindi makabalik dito." sagot ko habang inaayos ang butones.
"Aabutin ka ng ilang buwan sa pagpunta sa Maynila, Ijo! Nahihibang ka na ba? Papaano kung matulad ka kay Matahom na hindi na makabalik dito?" galit niyang tono.
Nag-aalala lang naman siya sa'kin, "Itay, 'wag niyo ngang hayaan na lamunin kayo ng galit kay Matahom dahil lang sa nag-aalala kayo. Sundalo ako, at kahit hindi si Matahom ang tao na 'yon, kailangan ko pa ring magligtas ng kababayan." sagot ko sa mahinhin na paraan, ayokong sabayan ang galit niya dahil sasabog lang kaming pareho.
"Bahala ka sa buhay mo, Ijo." saka siya umalis. Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang sarili sa salamin.
Kababata ko si Matahom, malalim ang napagsamahan naming dalawa bago pa siya tuluyang lumuwas sa Maynila. Hindi ko siya pwedeng hayaan na mastrande ron.
Kahit hindi ko man masabi sakanya, tanggap na tanggap ko ang katauhan niya. Kahit anong maging itsura niya, mapalalaki man o babae, walang sawa ko siyang tatanggapin. Wala akong karapatang husgahan siya dahil sino ako para gawin 'yon kung tanggap siya ng kanyang Itay?
Tinatantsang mga buwan pa 'ko ng Abril makakapunta sa Maynila dahil mahirap ang aking tatahakin.
At sana sa araw na 'yon..
Ay buhay ka pa, Matahom..
——
Matahom's POV
Nagising ako nung naramdaman kong mayroong nakatingin sa'kin, pagmulat ko ay tama nga ako, si Toshihiro ay nakatingin sa'kin at tila pinagmamasdan ang natutulog kong itsura.
"Good morning.." aniya, nagulat ako nung biglaan niya akong hinalikan sa noo, nanlaki ang mga mata ko dahil don ngunit agad itong inalis nung muli siyang tumingin sa'kin. "Breakfast is ready.." ngumiti siya.
Pasimple kong tinakpan ang bibig gamit ang kumot, takot na maamoy niya ang panis na laway ko, "I'm gonna wash first.." naiilang akong ngumiti saka bumangon. Dali-daling pumunta sa palikuran at tinignan ang repleksyon sa salamin.
Ang pangit ko!
Mukha na 'kong binabae!
Hindi kaya.. nahalata niya na?
Patay ako.. patay ako..
Agad akong naghilamos, nagsepilyo, saka naglagay ng kolorete sa mukha. Sinigurado kong mukha akong babae ulit bago ako lumabas. Baka mamaya isunod niya 'ko sa lalaki kaninang madaling araw na pinaputukan niya ng baril.
Naalala ko nanaman tuloy ang pangyayaring 'yon.. hindi ko pa rin mapigilang maawa sa lalaki. Alam kong may pamilya rin siyang uuwian kung kaya't posibleng may mangulila sakanya tulad ng pangungulila ng Itay ko sa'kin.
Paglabas ko ng palikuran ay tila ba bumagal ang oras, naglakad ako at tinignan ko si Toshihiro na nakatingin sa'kin, nakatulala ito at parang wala sa sarili, nakunot ko ng kaunti ang noo dahil sa kanyang inasta.
"Otto?" tawag ko sakanya, "why are you staring like that?" nabalik niya na ata siya sa huwisyo dahil sa reaksyon na mukhang nagulat.
"N-nothing," aniya saka umiwas nang tingin, ngunit wala pang limang segundo nung muli niya 'kong tinignan, "you look so beautiful, Matahom."
Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko nahulaan ang sasabihin niya.
Ngumiti nalang ako, "Thank you.."
"Eat breakfast?" aya niya sa'kin, tumango nalang ako kasabay naman ng pagtayo niya.
Hinawakan niya 'ko sa aking baywang at sabay kaming naglakad dalawa.
Nakauniporme na nga pala siya, ngayon ko lang napansin. Siguro ay maaga siyang nagising kaya niya rin ako natitigan kanina habang ako'y natutulog.
Tulad nung ginawa niya kahapon, siya ang nag-usod ng aking uupuan. Ang mga katulong na hapones ang naghanda ng aming pagkain. Mayroon pala silang tagapag-silbing dala-dala rito sa Pilipinas. Akala ko'y tanging mga sundalo lamang.
Salmon ang ulam namin ngayon, tinignan ko si Toshihiro at hinihimay niya na ang isda, nabigla ako nung bigla nalang niya na nilagay ang mga nahimay sa'king plato.
"But Otto, that's yours.." sabi ko..
Tumingin siya sa'kin, "Salmon can hurt your hands.. because of their fish-bones, eat now.." aniya at nilagyan ulit ako ng ulam.
Para namang hinaplos ng anghel ang puso ko dahil sa ginawa niya. May ugali pala siyang ganito, akala ko pagpatay lang ang alam niya.
Pagkatapos naming kumain na dalawa, dinala niya 'ko sa sala. Malaki ito at tantsang kakasya ang benteng katao. May mga ibang sundalo at nagsasayaw sila kapares ang ibang babae.
Bakit ang daming sibilyang hapones dito??
Karamihan ay mga babae..
"Tsuma.." napatingin ako kay Toshihiro, pumunta siya sa aking harapan at inilahad ang kamay, "let's dance?" aya niya sa'kin.
Hindi ako marunong..
"Otto.." tanging nasabi ko, napatungo pa ko dahil sa hiya. Baka isipin niya ang tanga ko naman dahil hindi ako marunong sumayaw.
"Hmm?" Ipwinesto niya ang kamay sa aking baba at itiningin ako sakanya.
"I can't dance.." sabi ko, tila halata ang nahihiyang tono rito at sana'y hindi niya mahalata.
Akala ko'y magagalit siya, ngunit ngumiti ito sa'kin, hindi labas ang ngipin pero ang gwapo-gwapo niya sa itsurang 'yon.
"I will teach you, Tsuma.." aniya..
Wala na naman akong nagawa dahil ipinatong niya na ang kanang kamay ko sa matipuno niyang balikat, habang ang kanya ay sa baywang ko naman. Ang kaliwa naming kamay ay magka-krus ang mga daliri (intertwined) pwestong naka-apir.
Kasabay ng tugtog, iginalaw ni Toshihiro ang kanyang mga paa, dahil wala akong alam sa pagsasayaw ay sa paa niya 'ko tumingin. Kaya mo 'to Matahom, i-representa mo ang mga Pilipino pagdating sa pagsasayaw.
Mabagal lang ang bawat hakbang na ginagawa ng Hapones na 'to, halatang tinuturuan at hinahayaan niya 'kong makasunod, na unti-unti ko na namang nagagawa. Napangiti ako dahil sa saya, ganito lang pala kadali ang pagsayaw.
"You did it.." bulong niya, dahil don ay napatingin ako sakanya habang may ngiti sa labi, seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko, napansin kong bumaba iyon at naramdaman kong nasa labi ko na ang kanyang tingin.
Umikot ako sa ilalim ng kanyang kamay, at nanlaki ang mata nung bigla siyang napunta sa likuran ko at nakayakap na sa'kin. Ramdam na ramdam ko ang bawat hangin na nilalabas niya, habang ang mga paa namin ay patuloy pa rin sa paggawa ng mga hakbang.
Pasimple niyang hinalikan ang aking leeg kasabay ng pagpikit ng mga mata ko..
Iyon ang unang halik, na ginawa ng hapones na ito sa'kin.
"Aishiteimasu, tsuma."
Hindi ko man naintindihan ang kanyang sinambit, ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa markang iniwan niya sa leeg ko.
Itutuloy..
A/n: xenxa wala ud kahapon, nalibang sa roblox ang author XD.. sana na-enjoy niyo ang chap! <3
![](https://img.wattpad.com/cover/357162795-288-k812813.jpg)
BINABASA MO ANG
Bahaghari Sa Pulang Araw: 1942
Ficción históricaBinabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apat...