Talk
"What?" Humagalpak si Tyler sa call nang usisain ko siya tungkol sa pinagsasabi ni Riri.
"Ibabangga ko itong kotse mo. What the fuck, dude? Anong boyfriend?"
"Are you driving? Calm down, Mav! At anong boyfriend?" He laughed hysterically.
"Sinabi ni Riri na sinabihan mo raw siya na mas busy ako sa boyfriend kaysa sa girlfriend ko."
"Oh... Totoo naman talaga. You were with us the whole time. Mas busy ka sa amin. At ano bang tagalog ng kaibigang lalake? Edi boyfriend!"
I knew it. Riri misunderstood it. Or she doesn't think a boyfriend means a lover? Maybe she was thinking about it literally. Ano bang alam ng kapatid ko sa boyfriend at girlfriend?
"English speaking si Riri, dude. S'yempre nag English din ako. Para saan pa ang pagiging US citizen ko kung hindi ko pinatulan ang ingles niya?"
Oo nga pala. May green card ang isang 'to. Silang dalawa ni Brent.
"How's my car, by the way? Pagod na pagod na 'yan. You've been riding it all day. Ginawa mo namang babae mo. Baka pag ako na sumakay diyan parang ikaw na rin ang sinakyan ko."
"Fuck you!" Humalakhak ako.
"Punuin mo 'yan ng gas bago mo isauli sa akin."
"Do we have a friend named Arki, Tyler? Like second name?" bigla kong tanong nang maalala iyon.
"I don't know. Wala naman. Baka si Shiloh."
I was suspecting it too. Si Shiloh lang naman ang bago sa grupo namin. Maybe he's Shiloh Arki?
"Ano bang pangalan ni Shiloh?" tanong ko.
"I don't know. Shiloh?"
"Shiloh lang? Apelyido wala?"
"Oo nga 'no? Baka Shiloh Arki?"
Hmm maybe. "Ibababa ko na. Tatawagan ko si Shiloh."
"Dude, drive safely! I don't care kung mag-isa kang mababangga! Lumabas ka sa kotse ko! Huwag mong gasgasan 'yan!" he warned aggressively.
I ended the call and called Shiloh this time.
"Riri?" he called softly, expecting it to be my sister.
"So she's really calling you?" I sighed problematically.
"Oh? Ikaw na ba 'to, Mav? Oo. Tumatawag siya."
"Like what? What did she tell you about?"
"Mga random lang. Kumusta daw ang araw ko. Nakikipagkwentuhan lang naman siya. At kung ano daw..." He paused for a while.
"Ano?" Tiningnan ko ang rearview mirror para icheck kung may kotse ba sa likod habang nagsisignal ako na lilipat sa kabilang daan.
"Ano. Kung may boyfriend din daw ba ako. Kasi may boyfriend daw ang kuya niya." He chuckled.
I groaned. "Papatayin ko talaga itong si Tyler."
Shiloh giggled cutely. "Ang cute ng kapatid mo. Mahilig pala siya sa strawberries?"
"Sinabi niya?"
"Oo. Sabi ko nga may strawberry farm kami."
I think Riri is talking about Shiloh. Para sa kanya siguro 'yung drawing.
"So you're Arki. She drew a strawberry in a bowl for you."
"Huh? Arki?" He sounded confused.
Tumingin akong muli sa rearview mirror saka ibinalik sa dashboard lalo na't nakaconnect lang sa Bluetooth ang tawag.