Chapter 20

166K 4.9K 5.1K
                                    

Mind Games

Malikot sila buong hapon. Ayaw na ring tumigil ni Jester kaka go kart at si Riri naman gustong gumala. Thank God Rade was there so I wasn't really torn. Napagbigyan ang gusto nilang dalawa.

"Kuya..." Riri called sleepily around five p.m. while we were already heading back to Batangas. Nasa kandungan ko siya lalo na't dito ako sa likod umupo kasama nila dahil natutumba na ang ulo ni Riri kanina sa sobrang antok habang yakap ang stuff toy niya.

"Hmm?" Nilingon ko ang ulo niyang nakasandal sa balikat ko at nakitang pikit naman ang mga mata.

"Horsey..." she mumbled.

"Jester is holding horsey," sabi ko, tinutukoy ang unicorn niyang nasa kandungan ni Jester na nalaglag niya na kanina.

Nilingon ko si Jester na nakangiti at tumitingin sa labas ng bintana. I ruffled his hair, so he glanced at me.

"You had fun?"

Mabilis ang pagtango niya. "Thanks Kuya."

Ngumiti ako. Tumingin si Jester sa harap.

"Thanks Kuya Arki," aniya.

Rade glanced and smiled a little. "You're welcome."

Napatingin ako sa kanya. Hinuli niya lang saglit ang titig ko ngunit noong ibinalik sa kalsada, sa itaas na salamin niya ako tiningnan. I stifled my smile and rested my head on the chair while caressing Riri's back, who was now completely asleep.

Mga bandang eight-thirty na noong dumating kami sa Batangas. Noong dumilat ako at napagtantong nakaidlip din, madilim na.

I yawned when Rade parked the car outside our big gate. Si Lala ang sumalubong habang ngiting ngiti at nasa driver's seat agad ang tingin.

I opened the door of the car and went out. Lumabas din si Rade at si Jester ang inasikaso lalo na't nakatulog din.

Hinatid namin ang mga kapatid ko sa kanya kanya nilang kuwarto at kay Lala lamang ako naghabilin na babalik na sa Manila since I still have classes tomorrow. Nakapagpaalam din naman na ako kanina sa dalawa.

"Sige, Mav. Mag ingat kayo sa daan ha? Sasabihin ko sa mommy mo mamaya," ani Lala.

Tumango ako at nilingon si Rade na nakapamulsang nakatitig sa picture frame ng pamilya namin. Naglakad ako patungo sa kanya at tinapik ang balikat niya para umalis na kami.

Lumingon si Rade kay Lala. "Alis na kami," he said politely.

Lala smiled and walked with us until outside. Kumaway siya noong makalabas na ang kotse at pinanood ko na lamang sa rearview mirror ang pagsasara niya ng gate.

I sighed and leaned against the seat. I'm so tired, but it was very fun. I can't wait after Halloween to bond with them again.

"Hindi ka uuwi next week?" tanong ni Rade.

Nakapikit ako habang umiiling. "My mom is flying to Mindanao to visit my grandparents graveyard. She's taking them. May Halloween party din sa bahay ni Angela kaya doon nalang ako."

"Halloween party... I got an invitation," aniya.

Napabaling ako sa kanya. "Ah...some of the girls in my circle have a crush on you. Pumunta ka. They would be happy if you're there. Besides, masaya naman 'yon. Pampatanggal stress before the finals."

Umangat ang kilay niya. "Why? You want me to flirt with your friends?"

I laughed. "Up to you. You like girls too, right?"

He took his eyes back on the road. Humikab ako at gustong labanan ang antok dahil ayoko namang siya ang nagmamaneho mag-isa.

Rade took his phone out. "Song?"

Over the Horizon (Strawberries and Cigarettes Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon