Shoot
Kay Riri ako nakipaglaro nang matapos silang maligo. Si Rade, niyaya ni Jester maglaro ng video games. At dahil sa pagpeke ko ng lagnat ko, nakaupo na ako sa pink na upuan ni Riri habang chinicheck niya ako gamit ang laruan niyang stethoscope.
Rade side-eyed us and smirked a little while holding the controller, and Jester was shouting and playing enthusiastically with him. If only I could punch him.
"Kuya inhale..." si Riri na nakatayo sa harap ko, ang maliit kong nurse.
I inhaled while she inhaled too, holding her breath for a while.
"Okay! You are healthy, kuya!" She nodded and pulled her stethoscope out of her ears.
"Walang exhale, nurse? Kawawa ang pasyente sa'yo, Riri," reklamo ko.
"Okay exhale!" She giggled when she remembered it.
Tumawa rin ako kaso nang mahuling tumingin ulit si Rade, agad napawi. You think I'd let you see my dimple? Never again.
"Wala ka bang reseta sa ka..." kabadingan... "kaonting lagnat na 'to, nurse? Baka gumaling pa ako," sabi ko habang yumuyuko na si Riri at ibinabalik sa box ang stethoscope niya.
"What is resesa?" tanong niya, halos nabaluktot pa ang tagalog.
"Reseta, Riri. Medicine," turo ko.
"Drink lots of water and let your loved ones hug you to lessen your fever. When I have a fever, dad and mom just hug me, and then it disappears, kuya."
Malamang umiinom ka ng gamot. Itong akin. Hindi yata gamot ang kailangan ko.
Lumingon ulit si Rade, nakaangat ang kilay. Nakakailang sulyap na ah? Halatang halata talaga kung sino ang uhaw dito.
"Meryenda muna!" anunsyo ni Lala kaya nagsitakbuhan ang mga kapatid ko doon sa kitchen sink habang may hinatid si Lala na tray sa table ni Rade.
"Thanks Lala," he said and smiled a little.
Malawak agad ang ngiti ni Lala. "You're welcome."
Sabi ni Jest, sa akin lang daw ngumingiti. He's a scam, then. Ngumingiti naman sa ibang babae. I remembered how he would smile while talking to Verena too.
So what's special when it comes to me? Maybe Jester just misinterpreted things. Hindi niya rin kasi nakikitang ngumiti pero ngumingiti naman 'yan.
I lost interest in staying in the living room, so I went back to my room again without even eating a snack. Paano kakain kung nakakawalang gana?
D-in-isarranged ko ulit 'yung mga natupi ko na at nagpasyang ihanger—kahit nakahanger din sila noong una at tinupi ko lang sa boredom.
This is ridiculous. Ano bang pinaggagawa ko? I could really name this as sulking. Kung may pintura lang na nakatambak sa garahe, baka kahit 'yon ay patulan ko na at pininturahan ang kuwarto ko nang may magawa naman.
Someone knocked. Hinintay ko saglit na tawagin ako sa labas lalo na't ganoon si Lala. Kung ang mga kapatid ko, kakatok nga, pero deritso bukas ng pinto at magtatakbuhan papasok. So...
The fucker. At anong kailangan niya?
I scoffed while looking at the door cockily. You missed me? You wanna see my face? Ilang minuto lang akong nawala sa paningin mo...
Lumaki ang ngiti ko ngunit nang mapagtantong nag-eenjoy ako, mabilis akong nagseryoso. As I said, I have already moved on. Hindi ko siya papansinin. Ngayon niya matitikman gaano ako katigas. Mahirap akong suyuin. Mga babae nga noon kina cut-off ko agad. Siya pa kaya?